Maldita ako. Paki Mo.

25.6K 400 30
                                    

Paki-play ang video nito sa gilid. Thank yoh! (^O^)/

----o0o----

 

 

Prologue

Madalas sa mga kwento na ang bida ang laging mahina. Yung tipong inaapi-api. Minamaltrato na nga, ang bait pa rin.

Madalas din ang bida na tatanga-tanga. Yung pang-comedy ang drama. Ang dami na ngang nagawang kamalian pero dahil sya ang bida, madami parin nagmamahal sa kanya.

Meron din yung klase ng bida na palaban ang dating. Ang daming mga masamang nangyari pero kinakaya nya. Ang daming mga kumakalaban sa kanya pero binabangga nya. Hindi sya papatalo kasi sya nga ang bida.

Pero paano kung magkaroon ng mga bida sa kwento na tipong kontrabida?

Yung sila ang manggugulo sa tahimik na buhay ng iba?

Mga bida na hindi mananahimik hanggang makuha ang gusto nila? O kaya naman ay magsasalita ng kahit nakakapanakit ng iba?

Kaiinisan mo din ba sila?

---

Ang MALDITA... Si Eleighn.

"Wala kang karapatang hawakan ni hibla ng buhok ko!"

"Oh? Anong problema mo? Ayos na nga di ba? Daming arte."

"Di ko kailangan ng kahit ano mula sayo. Mayaman ako."

"Maldita ako. Paki mo."

---

Ang MALANDI... Si Xyrene.

"Di ko kasalanan kung ako pinili ng boyfriend mo."

"Backup ka na lang. Madami pa kasi akong boyfriend eh. Ok?"

"Yup. I'm single. Bakit handsome?"

"Malandi ako. Paki mo."

---

Ang MASAMA... Si Cassia.

"Your family is not my problem. You're fired."

"Go to work now or you go to hell."

"Throw that old lady outside."

"Masama ako. Paki mo."

---

Silang tatlo ay magkakapatid. Magkakaiba ng ugali. Magkakaiba ng katangian. Magkakaiba ng istoryang pinapasan.

Tatlong magkakaibang kwento at iisang ang dahilan. Pero ano iyon?

Paano sila mababago para maging maayos ang lahat para sa iba at para na rin sa kanila? Ano ang kailangan upang maging masaya ang bawat isa?

~*Bratinella Series*~

----o0o----

 

NOTE: Tatlong series ito at unang ilalabas ang kay Eleighn. Bale tatlong seperate books nyan. Aiun. Hehe. Paki VOTE kung nagustuhan at paki COMMENT na din kung ano sa tingin mo sa start ng story. SALAMAT PO!!! (^0^)/

 

-->BelomaCassidy

 

Bratinella Series 1: Maldita ako. Paki mo. [COMPLETED]Where stories live. Discover now