CHAPTER 33

162 2 1
                                    

CHAPTER 33

NAPAKATAHIMIK lang sa loob ng kotse at walang nag-salita sa aming dalawa. Huminga ako ng malalim ay sumandal sa bintana. Pinagmamasdan ko lang ang mga naglalakihang building na nadadaanan namin at paminsan minsan naman ay hinihimas ang tyan ko.

Mahigpit na hinawakan ko ang aking bag at para bang takot na makita ni Davis ang binili ko para kay Hylo kahit hindi naman niya kukunin ang bag ko.

Huminga ako ng malalim at pumikit. Ang kaso ay naudlot 'yon ng magsalita si Davis. Napatingin ako sa kanya habang nagmamaneho ito.

"Is it really hurt?" tanong nito sa mababang tono.

Tumagal ng ilang segundo ang pagtitig ko sa kanya. Saka lang ako nabalik sa katauhan ng binalingan niya ako ng tingin, mabilis lang 'yon.

"H-huh?"

"You're feet. Masakit parin ba?"

Umiwas ako ng tingin. "O-oo. Pero siguro hindi siya sasakit mamaya kapag na kela Mommy na tayo."

Binalingan niya ulit ako ng tingin bago tumingin sa kalsada.

"Hilutin na lang natin mamaya matutulog na tayo," tugon nito.

Napatango na lang ako at hindi na nag-salita. Napanguso na lang ako ng maramdaman ang sakit sa paa ko. Iniiwasan ko na hindi ipakita sa kanya na nasasaktan ako dahil sa paa ko pero masakit talaga.

Nang makarating kami sa bahay ay siya ang unang bumaba at binuksan ang pintuan sa passenger seat. Tinanggal ko ang seat belt at inayos ang bag ko bago bumaba.

"Careful—shit!"

Napakapit ako sa kanyang braso ng manghina ang paa ko. Nang umangat ang tingin ko sa kanya at napabitaw ako. Huminga ako ng malalim para ikalma ang sarili ko.

"I-i'm sorry," nauutal kong wika.

Kahit hindi na ako nakahawak sa kanyang braso ay ang kamay niya ay nakaalala sa 'king braso.

Napalunok ako ng makitang nakatingin siya sa akin. Tanging ilaw lang sa lamppost ang nagsisilbing liwanag sa aming dalawa bukod sa dalawang maliit na ilaw sa gate ng bahay nila Mommy at Daddy.

Nakita ko tuloy ang buong mukha nito ng malinaw. Ilang beses ko na iyong nakita, gwapo siya talaga pero wala akong nararamdaman ni katiting sa kanya.

"Davis," tawag ko sa kanyang pangalan ng lumuhod ito at tinignan ang paa ko.

"It's bleeding. Your feet is bleeding," he whispered.

Doon ay napako ang tingin ko sa 'king paa. Mahapdi na siya at namumula ang bahagi ng paa ko na may sugat kaya napangiwi ako dahil doon.

He took a deep breath. Kusang pumulupot ang braso ko sa kanya ng buhatin niya ako na pang-kasal. Akala ko ay mag-lalakad na siya papasok sa loob ng mansyon pero nanatili siya kinatatayuan nito habang tulala sa gate ng bahay.

"Cheska..."

"Bakit?"

"Give me a chance. I'll do everything for you to love me. Let's try to work out this marriage. You know I love you, right?" he whispered, seryoso ang tono ng kanyang boses.

Hindi ako nakasalita sa sinabi niya. Napalunok na lang ako at napatingin sa kanya. Nagsalubong ang tingin namin sa isa't-isa. Ako ang unang umiwas at pinaglaruan ang daliri ko.

Alam kong may gusto siya sa akin kaya payag na payag siya arranged marriage na naganap. Na-aappreciate ko 'yon pero kahit anong gawin ko wala talaga. . . Hindi ko siya nagustuhan dahil si Hylo lang ang mahal na mahal ko.

Painful Regrets (Gorqyieds Series #2)Where stories live. Discover now