Simula

41 4 4
                                    

Madilim ang paligid.

Malamig ang simoy ng hangin.

Mapanganib ang daan na tinatahak ni Elena.

Bitbit niya ang kanyang isang buwan lamang na sanggol. Hinihingal na siya sa pagtakbo pero hindi niya alintana ang pagod na kanyang nararamdaman.

Isa lang ang nasa isip niya ngayon. Yun ay ang mailigtas niya ang kanyang anak sa kamay ng kanyang asawa na si Edmundo.

Patuloy lang siya sa pagtakbo ng marinig na naman niya ang sigaw ng kanyang asawa at ang putok ng baril na hawak nito.

"Elena! Wag ka ng tumakbo. Papatayin ko yang anak mo! Taksil ka!! Wag mo na akong paguring babae ka. Elena!!!" Umalingangaw na naman ang putok ng baril.

Kahit umaagos ang luha sa mata ng babae ay patuloy parin siya sa pagtakbo. Pilit niyang tinatakpan ang tenga ng kanyang anak para hindi nito marinig ang makasalanang putok ng baril na bitbit ng kanyang asawa.

Sa pagtawid niya sa kabilang kalsada hindi niya inasahan na may makikita siyang paparating na sasakyan. Halos magdiwang ang kalooban ni Elena ng mga sandaling 'yon.

Maililigtas niya.. Maililigtas niya ang kanyang anak...

Bumusena ng malakas ang sasakyan dahil sa pagharang niya dito. Pinikit niya ang mga mata at nanalangin na sana huminto ang sasakyan at tulungan siya ng kung sino mang taong lulan nito. Agad ring dininig ng Panginoon ang dasal niya ng makitang huminto ito sa harap niya. Habol parin ni Elena ang kanyang paghinga sa pag-a-akalang mababangga talaga siya ng sasakyan.

Pinihiran niya ang mga luhang umaagos sa mata niya at nagdesisyon na makakaya niyang ibigay ang kanyang anak sa mga ito matamo lang nito ang kaligtasang ninanais niya para sa anak niya.

Magsasalita palang sana siya ng bumukas ang isang bintana ng sasakyan at sumilip doon ang nangangalit na mukha ng isang lalaki.

"Ano ka ba! Tumingin ka nga sa dinadaanan mong babae ka! May hawak ka pa namang sanggol!" Halos mabingi siya sa sigaw ng lalaki pero hindi niya ito dinamdam dahil ang kaligtasan ng kanyang anak ang pinakainaalala niya kanina pa.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 05, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My Brother's LoveWhere stories live. Discover now