CHAPTER 27

156 3 0
                                    

Tw: violence, strong language.

CHAPTER 27

DAHIL SIGURO sa pag-dadalang tao ko at isama mo na rin ang pagiging emosyonal. Naiyak ako sa balikat ni Hylo, habang nakasubsob ang aking mukha sa kanyang leeg.

"A-ako rin. Miss na miss kita, Hylo," parang bata kong tugon at mas lalong humigpit ang aking yakap sa kanya.

Sunod sunod na hikbi ang pinakawalan ko at doon siya nataranta. Sinubukan niyang alisin ang braso ko pero hindi ako umalis. Sa kalaunan ay binuhat niya ako papasok sa kanyang opisina at sinarado ang pintuan.

Kinuha niya rin ang hawak kong pizza at pinatong sa lamesa nito. Tanging hikbi ko lang ang naririnig sa opisina niya at hindi man lang nag-salita. Hinayaan niya lang akong umiyak sa kanyang balikat.

"I'm here. Don't cry, Cheska," pag-aalo nito sa akin. Mas lalo kong siniksik ang sarili sa kanya.

Kumalma na rin ko makalipas ng ilang minuto. Hindi man lang siya nandiri ng makitang basa ang leeg nito dahil sa mga luha ko. Hinaplos niya ang aking mukha at inayos ang ilang hibla ng aking buhok na nadikit sa noo dahil sa pawis pagkatapos ay hinalikan ang aking labi.

"Drink your water," ani nito at inabot niya sa akin ang bottled water.

Tinanggap ko 'yon ang ininuman. Nang lingunin ko siya ay inaayos na niya ngayon ang mga papeles sa ibabaw ng lamesa at nilagay sa gitna ang dala kong pagkain. Pinunasan niya rin ang leeg nito ng wet wipes at para matuyo sinunod niya ang tissue.

"Okay kana?" malambing nitong tanong at hinawakan ang kamay ko.

Dahan dahan akong tumango at humilig sa kanyang dibdib. Marahan niyang sinuklay ang aking buhok at naramdaman na hinalikan ang noo ko.

"Saan ka pala pupunta? Mukhang nagmamadali ka kanina, eh," mahina kong tanong.

"Papunta sa'yo. Kanina ko lang na recieve yung text mo. Busy lang ako ngayon kasi magkakaroon na naman ng branch 'tong shop ko," tugon niya at binuksan ang dala kong pagkain.

Tumango ako at kumuha ng isang slice. Binigay ko 'yon sa kanya at pinakain siya. Napangiti ako ng makitang kinain niya 'yon habang natingin sa akin.

"You look different today, huh," nakangiti niyang wika habang ngumunguya. Hinaplos niya ang pisngi ko gamit ang hinlalaki niya at pinisil. "So beautiful."

"It's been a month. How are you?" tanong nito sa akin. "Kumusta na kayo ng asawa mo?"

Naglaho ang ngiti ko sa sinabi nito. Iniwas ko ang aking tingin at kumuha na lang ng pizza.

"A-ayos lang," tugon ko at nilingon siya. "Uhmm, Hylo. . . P'wede ba na huwag muna natin siyang banggitin?" I whispered.

He nodded. "Okay, if that's what you want. Ayaw ko rin naman banggitin 'yon kasi nagseselos ako," tugon niya at ngumuso pa.

Hindi ko alam pero natatakam ako sa pagkain na kinakain niya eh parehas lang naman kami! Ilang beses ako napalunok habang nakatingin sa pizza na hawak nito. Nahuli ko siyang napatingin sa akin.

"Why are you looking me like that? Anong problema?" kunot noo nitong tanong.

"Kagatan mo rin yung akin, please," wala sa sarili kong tugon at nilapit sa kanya ang hawak kong pagkain.

Nanatili siyang nakatingin sa akin at parang pinapasok pa sa kanyang utak ang mga sinasabi ko.

"Okay," sinunod niya ang sinabi ko kahit na naguguluhan siya.

Nagsusumigaw sa sobrang tuwa ang puso ko ng makagatan niya ang pagkain ko.

"Salamat!" nakangiti kong tugon.

Painful Regrets (Gorqyieds Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon