Chapter Two

158 5 0
                                    

Matapos ang mahigit kumulang na sampung oras na byahe namin ni Caden, nakarating na rin kami sa wakas. Pinadalhan ko ng mensahe si Mama nang nasa San Pablo palang kami para makapaghanda na siya na sunduin kami sa terminal.

Pagkababa namin ng bus, nakita agad ng mga mata ko si Mama na masayang kumakaway saamin at lumalapit.

Ngumiti ako at hinagkan siya. Isang mahigpit na yakap ang binigay niya saakin bago bumaling kay Caden na ngayon ay unti unting niyayakap na rin si Mama.

"Napagod ba kayo sa byahe?," kinuha ni Mama ang hawak kong bag pack at isinuot sa kanyang likod.

"Ako na," agaw ni Caden ng kinuha rin ni Mama ang hand bag sakanya. Hindi nakapagsalita si Mama sa inasal ni Caden na hawak hawak ang isang gitara.

Pumara nalang ako ng tricycle para makauwi na kami.

"Capacity?," tanong ng driver kung saan kumunot ang noo ko.

Nako, apat na taon na ang nakalilipas ngunit hindi pa rin nagbabago ang mga tao dito. Noong nandito pa ako, ganyan na ganyan na talaga ang mga tricycle driver dito. Napakaabusado nila.

Pasalamat sila dahil hindi nadala ni Mama ang kanyang sasakyan dahil wala ngayon ang kanyang driver kaya kinakailangan naming sumakay ng tricycle.

"Sige na nga, manong," sabi ko.

Ngunit, may kinakausap ng ibang tao ang driver. Mukhang ibang pasahero.

Sumimangot ako sa lalaking kausap ngayon ng tricycle driver. Inangat niya ang kanyang ulo at nakita ang aking ekspresyon.

Ngumisi lamang ito.

Nakakainis naman si manong driver. Hindi lang ako nakapag-decide agad, naghanap na agad ng iba. Hindi marunong maghintay. Akala mo naman napakalaking sakripisyo ang paghihintay ng ilang segundo. Akala mo naman ikamamatay niya agad kapag wala nakuhang pasahero agad.

Nilagay ng lalaki ang bagahe niya sa carrier ng tricycle at pumasok na ito.

Nang paalis na ang tricycle, nakita kong humabol ng tingin ang lalaki saakin at ngumiti ng nakalabas ang kanyang mga ngipin.

Hmp! Hindi ako natutuwa.

Pumara nalang ako ng iba.

Sinabi ko sa driver ang address namin at sinabing capacity na ito agad. Mahirap na, baka mapunta pa si manong driver sa ibang pasahero.

Kating kati na akong umuwi dahil sa pagod na nararamdaman ko dulot ng napakahabang byahe.

Sinamahan pa ng napakainit na panahon. Naku, itong lugar na ito ata ang pinakamainit na lugar sa buong Pilipinas. Manghihina ka nalang dahil sa init.

Nilagay naming ang isang bagahe naming sa carrier ng tricy. Sumakay sa likod ng driver si Caden habang suot pa rin ang kanyang bag pack. Sa loob kami ni Mama. Pinatong ko sa may paanan naming dalawa ang ibang bag na dala ko.

"Matutuwa si Dominic kapag nakita ka niya."

Napangiti ako sa sinabi ni Mama. Oo nga, makikita ko na ulit ang kababata ko. Kamusta na kaya yun? Friend ko yun sa isang networking site pero hindi siya gaanong aktibo kaya naman hindi rin naman ako updated sa buhay niya.

May girlfriend na kaya yun? Naku, wala naman siguro kasi noong mga bata pa kami, bungi yun. Tsaka bago kami lumipat sa Taguig, gusgusin pa yun. Wala yung pakealam sa hitsura niya.

Mas gusto niyang maglaro sa labas. Puro basketball nga lang ang inaatupag nun eh. Nakikipaglaro pa noon yun dati sa ibang barangay para sa pustahan ng basketball.

Ang daming kwento ni mama pero hindi ko na ito nasundan dahil abala ako sa pagtitig sa kalsada.

Ang daming nagbago sa Tuguegarao. Akalain mo yun, apat na taon lang naman akong nawala pero pakiramdam ko, sampung taon kong hindi nakita ang lugar na ito.

Room For Troubled Soul (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon