Huling Sayaw (One Shot) (KathNiel Fan-fic)

503 15 1
                                    

D's POV

Nag-announce na ang Dean na patutugtugin na ng DJ ang last song para sa gabing ito.

Ang huling kanta.. Ang huling pagkakataon.. Ang huling sayaw..

Tumunghay ako at tiningnan ang dahilan ng pagtibok ng puso ko ngayon. Ang minsang nagparamdam sakin ng kaligayahan.. Ngunit ngayon pawang sakit na lang.

Sakit kasi... Hindi na siya sakin.

Kasi sumuko na siya.

Huminga ako ng malalim at tumayo. Matagal-tagal na din akong nag-iipon ng lakas ng loob para dito. At gagawin ko ang lahat para hindi masayang yun. Kaya kahit nangangatog na ang mga tuhod ko at sobrang bilis ng tibok ng puso ko sa kaba, nilapitan ko siya.

Nakatungo lang siya at kinakalikot ang kuko. Hm? Bakit kaya? Kinakalikot lang naman niya ang kuko niya kapag ninenerbyos siya o kapag malapit na siya umiyak eh.

"K." tawag ko sakanya.

Nakita kong parang natigilan siya bago huminga ng malalim at tumunghay.

Sht. Ang ganda niya. Sobra.

Hinding-hindi ako magsasawa sa mukhang ito.

"D. B-bakit? M-may kailangan ka b-ba?"

Huminga muna ako ng malalim bago sumagot. "Oo sana. P-pwede ka bang maisayaw?"

"D..."

"Last na, K. Please." Inabot ko sakanya ang kamay ko. Please, K. Tanggapin mo.

Napakagat-labi siya bago tumango at tinanggap ang kamay ko. Hinawakan ko yun ng mahigpit at inalalayan sya sa dance floor.

Ipinatong ko ang dalawa niyang kamay sa mga balikat ko at inilagay ko naman ang mga kamay ko sa bewang niya.

Nagsimula na kaming sumayaw.

[A/N: Sorry po walang music. Phone lang po gamit ko eh. Play nyo na lang ang Huling Sayaw ng Kamikazee. Yung acoustic version. Hihihi. :">]

Nakatingin lang ako sakanya. Ramdam kong malapit na akong umiyak pero pinipigilan ko. Hindi siya makatingin sakin. Nakatungo lang sya.

"K, please look at me. Last na 'to dba? Pagbigyan mo na ko. Hindi na kita guguluhin pagkatapos nito. Please, K." Tumunghay naman siya at nakita ko na naman ang maganda niyang mga mata...

Na pinipigilan ang luha...

"K, Baki--"

"Why are you doing this, D? Tapos na 'to. Tapos na tayo. Bakit mo pa ipinipilit? Bakit?"

Masakit, K.

"Kasi mahal kita K. Mahal na mahal kita. Ang tagal kong ipinaglaban 'tong pagmamahal na 'to. Tinitiis ko lahat ng sakit kasi sobrang mahal kita."

"Hindi mo ba naiintindihan D? You're engaged for christ's sake! Hindi mo na mapipigilan ang parents mo sa engagement na yan. Ayaw sakin ng parents mo kaya ka nila pinagkasundo. Wala tayong laban sa kanila D! One wrong move and we'll both end up ruining our lives. Kaya tama na 'to. Ayoko na."

She's crying now. Anak ng pucha naman. Doble sakit eh. <//3

"Mahal mo ba ko?"

"Ano bang klaseng tanong yan, D?"

"Just answer my question! Mahal mo ba ko, K?!"

"Yes! Sa tingin mo ba masasaktan ako ng ganito kung hindi kita mahal? Mahal na mahal kita D!"

Eh bakit lalo ata sumakit?

"But i guess hindi sapat ang pagmamahal na yan para ipaglaban mo ko. Because you gave up. You left me hanging, K. Lumaban ako. Pero what's the use in fighting if the one i'm fighting for has given up?"

Natigilan sya sa sinabi ko. Napatigil kami sa pagsasayaw pero nanatili kaming ganun ang pwesto.

"Kaya kong gawin ang kahit na ano para sa'yo, K. Kaya ko silang suwayin mapatunayan ko lang kung gano kita kamahal."

Hindi ko na napigilan. Tumulo na ang mga luha ko.

"Pero mahirap makipaglaban mag-isa K. Mahirap lalo na kung sumuko na ang pinaghuhugutan mo ng lakas. At sa nakikita ko ngayon, hindi ko pa din ata mababago isip mo...

...at hindi ko na ata kaya makipaglaban pa."

Nakita ko kung panong nasaktan sya sa sinabi ko. Nasasaktan na din ako pero kailangan kong gawin 'to.

Kasi pagod na din ako.

"I meant what I said earlier. Huli na 'to. Huling beses ko nang ipagpipilitan ang sarili ko. I'm giving you your freedom. Gagawin ko na ang matagal mo ng ginawa, K. I'm giving up."

Napahawak siya sa bibig niya. Para siguro pigilan ang hagulhol. Umiiyak na kami parehas. Nanatili lang sa bewang niya ang kamay ko. Hindi ko na kaya. Ayoko ng nakikita siyang umiiyak.

"Shh. Tahan na, K." Pinunasan ko ang mga luha nya at pinaglapat ang mga noo namin. Hinawakan ko siya sa pisngi. "Let's just treasure this moment. Huli na 'toh dba?" Pagkatapos, niyakap ko siya. "Hug me back please? Ngayon lang.. Please.."

And she did. Niyakap ko siya ng sobrang higpit. Nagsasayaw kami ngayon habang magkayakap at umiiyak.

"I'm sorry D. I'm sorry for being so weak. I'm sorry kung hindi ko kinaya. I'm so sorry."

"I'm sorry too." I am. I'm sorry kasi hindi namin nagawang ipaglaban ang pagmamahalan namin. Nakakapanghinayang.

Naramdaman kong humigpit ang yakap niya. Mamimiss ko 'to. Sobra.

Patapos na pala ang kanta. Ibig sabihin, patapos na din ang oras naming dalawa. Gusto ko na lang maging manhid kesa maramdaman itong sakit na nararamdaman ko ngayon. Wala na eh, tapos na.

"Always remember how much i love you. Higit pa yun sa buhay ko. Remember that, K."

Lumayo na sya sa hug namin pero hawak ko pa din sya sa bewang at nakapatong naman sa may dibdib ko ang mga kamay nya. Umiiyak pa din siya.

"I will, D. Mahal na mahal din kita. Remember that too. At salamat. Salamat para dito."

Tumango ako. Hindi ko na kaya. Kaya bago pa ko magdalawang isip, hinalikan ko na sya. Isang halik na punong puno ng lungkot, panghihinayang at pagmamahal. Nalulungkot ako. Bakit kailangang umabot sa ganito? Bakit kailangang sobrang sakit?

Matapos ang ilang segundo, bumitaw na din ako at tinalikuran siya. Naglakad ako palayo at buong lakas na pinigilang lumingon pabalik kay K. Tapos na ang laban. Sumuko na din ako. At ang sakit, sobra.

Kasabay ng pagtalikod ko ay ang pagtatapos ng kanta. Kasabay nuon ang tuluyang pagsuko ko sa laban.

Kasabay ng pagsuko ko ang pagtatapos ng aming huling sayaw..

THE END.

********************

Hey reader! May magbasa kaya nito? Haha.

Well, wala. Trip ko lang magsulat. Sana nagustuhan nyo! Sorry kung pangit, first time eh. Pagbigyan :D

Huling Sayaw (One Shot) (KathNiel Fan-fic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon