Unforgettable Affair ( A One Shot Story)

122K 1.7K 263
                                    

This is based on a true story.  All names, places and events are changed to conceal the identity of those involved.

***

" I can't see you anymore."

Kanina pa niya pinag-iisipan kung paano sasabihin ito nang hindi siya masasaktan. Pero imposibleng mangyari ito. Bakas sa mukha ni Marion ang pagkagulat. Tila hindi ito makapaniwala sa narinig.

" What do you mean, you can't see me anymore?! " She's in the middle of pulling up her pants. Napahinto ito sa ginagawa niya. Mangiyak-ngiyak ito na humarap kay Keif.

Keif had the chance to look at her body. Ang katawang kinabaliwan niya ng halos ilang buwan. Napaganda ng kutis ni Marion. Makinis at mamula-mula. Her breasts are so soft and full. And firm. She doesn't just have the body. She also possesses an animal within. And she's a tiger. A tiger in bed. Siya ang babaeng kayang ibigay ang lahat ng pangangailagan ng isang lalaki.

Umupo na rin si Keif sa gilid ng kama at nagsimulang magbihis. He didn't bother to shower. Kahit na nanlalagkit na ang pagitan ng kanyang mga hita. Proof of their countless and tireless passion for the past six hours. He can still smell her on his arms, on his hands and face. On his entire body.

" She's starting to get suspicious." Hindi pa rin makatingin sa kanya si Keif nang derecho. Alam niyang hindi ito sapat na dahilan para hindi na sila magkita pa. He wanted out.

Tumayo na rin siya  at isinuot ang pants.

" Maybe we should cool things off for a while." He tried to sound casual. Na parang ang sinasabi niya kay Marion ay isang bagay na wala siyang dapat ikabahala.

Bakas sa mukha ni Marion ang matinding galit. "Cool off?!"

Lumapit ito kay Keif.

" Fu*k you!"  Isang malutong na sampal ang dumapo sa kanang mukha niya.

Nanatiling nakayuko si Keif. Tahimik nitong tinanggap ang samapal at kahit na anong susunod na pisikal na sakit na ibibigay sa kanya ni Marion.

"Magsalita ka!" Pilit niyang inaangat ang mukha ni Keif. "Cool off?! Ha?!" Isa pang sampal ulit ang dumapo sa kaliwang pisngi niya.

" Pa'no 'to ha?!" nakaturo siya sa tiyan niya.

Pero hind ito tiningnan ni Keif. 

She's two weeks pregnant. At ito ay isang bangungot para kay Keif. Hindi niya akalain na aabot sila sa ganito. Hindi siya naging maingat. Sabi niya sa sarili, pampalipas oras lang niya si Marion. Pero napadalas ang pagkikita nila. Na para bang isa itong droga na hirap siyang iwasan.

"I will send support. Hindi ko kayo pababayaan." Iyon lang ang kaya niyang tuparin na pangako. At bukal ito sa loob niya. Dugo at laman niya ang nasa sinapupunan ni Marion. Kung si Marion, pwede niyang kalimutan, pero hindi ang magiging anak nila. 

Lumuhod si Marion sa harap niya. "I don't need anything Keif, I need you."

Sa puntong ito na-realize ni Keif na wala na siyang kawala sa relasyon nila ni Marion.

***

" I'm leaving." Hawak ni Keif ang isang katamtamang laking travelling bag. Kung gaano karami ang laman nito ay hindi niya alam. Basta kung ano na lang ang madampot niya at ipinasok sa loob.

Nakatayo si Jade sa pinto ng kwarto nilang mag-asawa. Blangko ang expression ng mukha nito. Lumapit si Keif sa kanya.

" She needs me. And I have no choice. Iniipit ako ng family niya." Iyon ang totoo.

Unforgettable Affair ( A One Shot Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon