CHAPTER 18

147 4 0
                                    

CHAPTER 18

NAKAHALUMBABA lang ako sa aking tuhod habang pinapanood lang si Thalestris na maglaro sa aking kama. Nandito parin kaming dalawa sa bahay nila Mommy at Daddy. Kakauwi ko lang galing sa trabaho ko sa jewelry shop.

"Baby, dito ka lang malapit kay Mommy," tawag ko sa kanya.

May harang naman yung paligid ng kama ko kaya nagmistula 'yon na malaking crib pero ang ikinababahala ko lang ay baka aksidente siyang sumubsob doon sa harang at mahulog.

"Mommy. Mommy," paulit ulit niyang anas habang naglalaro ng stuff toys nito.

I smiled. Ilang beses akong tinatanong ni Hylo tungkol sa nangyari noong pinasakay niya ako sa kanyang kotse dahil sa kaibigan ni Davis. Hindi ko siya masagot . . . Ayaw kong sabihin. Kasi natatakot ako na kapag nalaman niya 'yon alam kong pandidirian niya ako . . . Iiwas siya sa akin.

"Love mo si Mommy?" biglang kong tanong sa kanya.

Humagikhik ito at dahan dahang naglakad papunta sa akin. Naupo siya sa tabi ko habang nakaangat ang tingin.

"Mommy . . . Lab."

Hinalikan ko ang kanyang noo at bumaba ang tingin sa aking cellphone ng may nag-text.

Hieyro Louie:

Nakauwi kana?

Cheska:

Yeah. Kani-kanina lang.

Hieyro Louie:

Are you okay? Ang dry ng text mo.

Napailing na lang ako at nilingon muna si Thalestris bago replyan ang isang 'to.

Cheska:

Ay sorry po😟😣😖ganito po ba dapat? 😕☹️ Nagpapahinga lang po ako kasi pagod ako galing work 😱😢😪 ang sakit ng likod at paa ko 😖😣

Hieyro Louie:

Damn. You're so funny, Cheska. Are you a emoji warrior? Hahaha🤣

Hindi ko tuloy mapigilang hindi humalakhak dahil sa kanya. Alam naman niya na inaasar ko lang siya. My god, I can clearly hear his laugh.

Cheska:

Me? Emoji warrior? Baka ikaw.

Napantig ang aking tenga ng may kumatok sa aking kwarto. Binaba ko kaonti ang harang at lumabas. Inangat ko lang din kaagad 'yon para hindi sumunod sa akin si Thalestris. Binuksan ko ang pintuan at bumungad si Mommy.

"My? Bakit po?" tanong ko.

Tumikhim muna ito bago magsalita. "May naghahanap sa 'yo sa labas ng bahay. Puntahan mo na, kanina pa 'yon na nandoon."

Kumunot ang noo ko. "Sino po?"

Napakamot na lang siya sa kanyang ulo. "Puntahan mo na lang."

Huminga ako ng malalim. "P'wede ba na sa susunod na lang siya kamo pumunta rito? I'm tired, My."

"Si Hylo yung nasa labas, 'Nak."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi nito. Nilamon ng taranta ang buong sistema ko. Hindi pa ako nakakapagpalit ng damit at nakaligo!

"Pakibantayan na lang po si Thalestris, My. Puntahan ko muna siya."

Tumango siya at pumasok sa loob ng kwarto. Lakad takbo ang ginawa ko para mapuntahan siya sa labas. Tanaw ko kaagad ang kotse nitong white BMW sa labas at nakaupo lang siya sa gutter habang nakababa ang tingin sa kanyang cellphone.

Painful Regrets (Gorqyieds Series #2)Where stories live. Discover now