CHAPTER 20

1.4M 31.2K 7.1K
                                    

CHAPTER 20

GAMIT ang Hammer ni Hellion, nagtungo siya sa pier na sinasabi nito. Dumaan muna siya sa bahay ni Hellion para kumuha ng mga gamit. Nagdarasal siya sa panginoon na sana walang mangyaring masama kay Lander habang wala siya. Maraming tao sa LaCars building at may mga security guard pa kaya malabong mangyari na makapasok si Exxon sa gusali.

Nang makarating sa nasabing pier, hindi siya nahirapan na hanapin ang barko na kinalululanan ng mga sasakyan ni Lamar Exxon.

It had an 'Exxon Cargo' written on the side.

Huminga siya ng malalim, isinukbit niya ng mabuti ang duffel bag sa balikat niya at kinuha ang baril sa gun holster na nasa beywang niy. Pagkatapos ay naglakad siya papasok sa barko.

Habang maingat na naglalakad, paulit-ulit na pumapasok sa isip niya ang sinabi ni Hellion habang nasa sasakyan siya.

'The C4 is already set and the time is running. You only have ten minutes before it detonates. Bago pa mag-ten minutes, dapat nakaalis ka na sa barkong iyon. I will detonate the bomb in Exxon Garage at exact time as the cargo ship.'

Nang makapasok si Vienna sa barko, humigpit ang hawak niya sa kaniyang silencer gun. Mas makabubuting walang tunog ang pagputok ng baril para hindi makakuha ng atensiyon. Ang misyon niya ay ilagay ang mga C4 sa bawat sulok ng barko. Hindi ang makipag-barilan sa mga ito. Aminado siya na wala siyang laban sa mga tao ni Exxon. Nag-iisa lang siya at marami ang mga ito.

She was good at planting bombs and making something explode.

Vienna was walking stealthy when someone spoke behind her.

"Ibaba mo ang baril mo."

Itinirik niya ang mga mata. Para namang makikinig siya. Mabilis siyang lumuhod at umikot paharap sabay kalabit ng gatilyo ng baril na hawak.

Napatingin siya sa lalaking humandusay sa sahig at nag-uumpisang maligo sa sariling dugo. Sa halip na makonsensiya, mas nadagdagan pa ang inis niya. Bakit ba ang daming masasamang loob sa mundong ito?

Iniwan niya ang bangkay at nagpatuloy sa paglalakad patungo sa brig ng barko. Doon niya balak ilagay ang C4 para masira talaga ang barko at lumubog.

Nakarating siya sa brig nang walang masyadong aksyon. Panay ang tago niya kapag nakakakita ng tauhan ni Exxon. As much as possible, ayaw niyang kumitil nang buhay. Pumapatay lang siya kapag wala na talagang ibang pagpipilian.

Dahan-dahan niyang itinulak ang pintuan ng brig.

Napahiyaw siya at biglang isinara ang pinto ng may bumaril sa kanya mula sa loob. "Fuck!"

Mabilis siyang tumakbo pabalik sa first deck. Nang marinig niyang bumukas ang pinto ng brig, mas binilisan pa niya ang kilos. Nasa unang deck na siya ng biglang may lumabas na lalaki na nagtatago sa isa sa mga sasakyan na naroon at tinutukan siya. Naabutan na rin siya nang kung sino man ang tao na nasa brig at inilapat ang dulo ng baril sa likod niya.

There's no way out! Fuck! Kung lalabanan niya ng hand-to-hand combat ang nasa harapan niya, babarilin siya ng nasa likuran niya. Ang makabubuting gawin ay maghanap ng magandang tyempo. Hindi siya babarilin ng mga ito. May balak itong iba sa kaniya. Dahil kung nasa isip nang mga ito na patayin siya, e di sana, nang makita siya ay kaagad siyang binaril.

"Hinihintay ka ni boss," anang lalaki na nasa harapan niya.

"Dalhin niyo ako sa kanya." Sa pamamagitan niyon ay makakapag-isip siya ng paraan para makatakas sa barkong 'yon.

Inagaw sa kanya ng lalaki ang baril na hawak niya at hinawakan siya ng dalawang lalaki sa magkabilang balikat. Kinakaya niya ang sakit na nanggagaling sa balikat niya dahil pinipisil ng malakas ng lalaki ang balikat niya na may sugat.

POSSESSIVE 4: Lander StormWhere stories live. Discover now