CHAPTER 15

183 4 0
                                    

CHAPTER 15

TAHIMIK LANG AKONG nananghalian dito sa bahay. Miss ko na kaagad si Thalestris kahit ilang araw na ang lumipas. At sobrang bilis ng paglipas ng araw hindi man lang ako nakagala dahil s'yempre kailangan ko pa rin pumasok sa trabaho ko.

Huminga ako ng malalim at kumain na. Palapit na rin nang palapit ang birthday ko at malapit na rin dumating si Davis. Kung puwede lang hindi na siya bumalik dito mas mainam pa. Nang maubos ko ang kinakain ko ay nilapag ko kaagad 'yon sa lababo at hinugasan 'yon.

Sakto pagtapos ko ay biglang may nag-doorbell. Dumiretso ako sa labas at nakita ko kaagad ang pamilyar na sasakyan-kotse ni Hylo. Heto na naman ang pakiramdam na tuwang tuwa ang puso ko. Nakangiti na lumabas ako ng gate at nilapitan siya.

"Hylo. Anong meron ba't ka napunta rito?" tanong ko ng makalapit sa kanya.

Gumuhit ang ngiti sa kanyang labi ng ilahad sa akin ang hawak niyang paperbag.

"You're uniform. Kailan ka papasok?" tanong nito at hinila ang kamay ko papunta sa silungan dahil naarawan ako.

"Baka sa susunod na araw. Puwede ba?" saad ko at tumingin sa paperbag. "May aasikasuhin kasi ako."

"Ahh. Okay, okay. Sabihan mo ako pag papasok kana, ah," sagot niya at parang excited pa.

Umangat ang tingin ko sa kanya. "Bakit naman?"

Napakamot siya sa kanyang braso pero nakangiti pa rin sa akin na parang nahihiya.

"Wala lang. Gusto ko lang malaman 'di naman masama 'yon 'di ba?" sagot nito. "At saka para hintayin kita sa labas," mahina niyang tugon.

Napakurap ako ng ilang beses at pinigilan ang sarili na huwag matawa sa kanyang harapan. Why did I find that cute? Mahina akong natawa sa aking isipan.

"Hindi naman kailangan 'yon, Hylo. Makikita mo naman kaagad ako kapag pumasok ako sa pastry shop mo, eh," ani ko.

"E'di ano na lang," napaisip pa siya bago magsalita. "Anong araw ka ba papasok? May sakit ka ba ngayon kaya hindi ka makakapasok bukas?" nag-aalala niyang tanong sa akin.

Umiling ako at ningitian siya. "Wala akong sakit, Hylo. May i-inaasikaso lang talaga ako."

He took a deep breath. "Okay. Kita na lang sa pastry shop, ah."

Tumango ako at kumaway sa kanya. "Hmm. Bye!"

Tinalikuran ko na siya at naglakad papasok sa bahay ang kaso ay pinigilan niya na naman ako. Sobra niya ba akong na miss?

"Cheska. Your back, bakit may kalmot 'yan?" kunot noo nitong tanong.

Unti unting nanlaki ang aking mata ng marinig 'yon! Shit! Nakalimutan ko mag t-shirt. Naka sleeves lang kasi ako at medyo mababa ang sa likuran ko dahil ganoon talaga ang disenyo. Hinarap ko siya at umatras.

"Huh? Wala 'yan. Nakalmot lang 'yan ng ligaw na pusa rito sa bahay," pagpapalusot ko.

Nilapitan niya ako at muling sinilip ang likod ko. "Sigurado ka ba? It doesn't look like the cat did that to you. Ang laki n'yan, eh," anas nito sa akin.

Mahina akong napasinghap ng paglandasin niya ang kanyang daliri roon. Magaan lang 'yon pero masakit talaga kapag mahahawakan o madadampian man lang.

"Nasasaktan ka. Tara nga may first aid kit sa kotse ko. Let me clean that."

Hindi na ako nag nagreklamo at sinunod na lang siya. Pumasok kami sa backseat at kinuha ang first aid kit pagkatapos ay pinatalikod ako para gamutin ang sugat sa aking likod. Kapag napapadaing ako hinihipan niya kaagad 'yon para mawala ang sakit.

Painful Regrets (Gorqyieds Series #2)Where stories live. Discover now