CHAPTER 6

220 5 4
                                    

CHAPTER 6

BASTA NIYA NA LANG binitawan ang aking panga at tinalikuran ako. Mahina lang ang aking pag-iyak sa gilid at inipon ang pera na pinasok niya sa loob ng sira kong gown.

Sinubukan kong ayusin 'yon kung may pag-asa pa ba na maayos pero wala. Tinupi ko lahat ng pera at dahan dahang tumayo. Pinunasan ko ang aking luha habang nakaalalay ang isa kong kamay sa aking sikmura.

Napakasakit na ng sikmura ko ngayon.

Iniisip ko kung paano ako makakalabas ng ganito ang ayos ko. Halos makita na talaga ang dibdib ko. Wala akong bra at tanging nipple tape lang ang nakalagay sa aking dibdib.

Nilapitan ko si Davis at inabot sa kanya ang pera nito.

"Hindi ko kailangan niyan, Davis. Kaya kong magkapera na hindi humihingi sa 'yo," umiiyak pero matapang kong wika.

Tumaas ang gilid ng kanyang labi at umangat ang kanyang kamay. Napapikit ako at hinihintay na dumapo ang kanyang palad sa akin pero wala akong naramdaman. Mahinang tawa ang narinig ko kaya idinilat ko ang aking mata.

"Lumalaban kana ngayon, ah," natatawa niyang wika. "Kukunin mo 'yan o kakaladkarin kita palabas dito? Mamili ka, Cheska," naging seryoso ang boses nito.

"Oh, baka gusto mo yung pangalawang choice tutal gusto mo ng maraming nakakakita sa 'yo ng ganyan. Tara ililibot kita rito," humalakhak siya at hinawakan ang aking kamay.

Bahagyang nanlaki ang aking mata sa sinabi nito. Bumilis ang tibok ng aking puso, natataranta na hinigit ko ang aking kamay at nagpupumiglas.

"Ano ba, Davis! Bitawan mo nga ako!" natatakot kong wika. Mahigit isang libo ang mga tao sa pinaka hall na makita akong ganito!

Muling nangilid ang aking luha at mahigpit na hinawakan ang pera na tig-i-isang libo.

"Kukunin ko na 'to, Davis. Tama na," naiiyak kong wika. "Tama na, please," humihikbi kong sambit.

Doon ay tumigil siya at hinapit ang aking beywang papalapit sa kanya. Hinaplos niya ang aking mukha na punong puno ng luha, nanatili ang kaba sa aking dibdib. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko, akala mo ay gusto nitong lumabas sa aking dibdib. 

"Let's go home, Hon?" malambing nitong tanong sa akin.

Tahimik lang akong nakatingin sa kanya at napalunok ng magsalubong ang mga titig namin, ang dark brown nitong mata ay walang emosyon na nakatingin sa akin, hindi ko mabasa sa kanyang mata ang emosyon nito. Wala sa sariling tumango na lang ako para hindi na masaktan.

"Hindi ako makakalabas ng ganito, Davis—"

"Shh. I have a plan, Hon. Don't worry, let's make it realistic," pagputol nito sa sinabi ko at ningitian ako. Kakaiba ang ngiti niya at hindi ko nagugustuhan ang magiging plano nito.

Impit akong napatili ng pangkuin niya ako at pinaupo sa lababo. Kumunot ang noo ko ng hawakan niya ang kanan kong paa.

"Davis, anong gagawin mo?" kinakabahan kong tanong.

Hindi niya ako sinagot. Kinuha niya ang panyo sa loob ng suite niya at lumapit sa akin. Hinawakan niya ang panga ko at pilit na binuka ang aking bibig.

"Kagatin mo na, Cheska!" mariin niyang wika.

"Davis, natatakot ako—" naiiyak kong sambit.

"Trust me. Mas makapanipaniwala 'tong gagawin ko sa 'yo para hindi na nila tayo tatanungin kung uuwi na kaagad tayo," pangungumbinsi niya.

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Muling bumalik ang kamay niya sa kanan kong paa at may kinakapa kapa roon. Nanlaki ang mata ko ng mag-sink in sa aking utak ang gagawin niya.

Painful Regrets (Gorqyieds Series #2)Kde žijí příběhy. Začni objevovat