Nasaan ang Forever?

197 4 1
                                    

Jaira Krisna Sy's POV

"Maghihiwalay din yan!"

"Walang Forever nga diba?"

"Di ka niya mahal!"

Napakunot ang noo ko sa mga naririnig ko habang naglalakad kami ng hand-to-hand ng Boyfriend ko na si Julius Rodriguez.

"Inggit lang sila." I whispered to myself. I rolled my eyes to them nung tiningnan nila ako ng masama.

We just walked until we reached MY classroom. Yeah, MY. Hindi kasi kami classmates sa first subject kaya.. huhuhu why oh why?

"Susunduin kita mamaya. Hintayin mo ako ha?" Julius smiled sweetly at me. I kissed his cheeks and he also kissed mine. Wala pa kaming first kiss sa lips dahil sa 1st anniversary nalang daw kami magkafirst kiss para feel na feel.

One week left anniversary na namin!

"Okay. I'll wait for you at home." I sweetly smiled at him. I waved at him as soon as I went inside and sat on my chair.

Pumunta na rin siya sa kanyang room.

"Hoy Bakla! Anyare sa ekslavu mong dyosasang face?!" Pambungad sakin ni Brian "Brianna" Salvador pagkaupo niya sa tabi ko. Nakangiti pa kasi ako simula noong umalis si Julius.

"Eh bakla naman ehhh! Si Julius! Kinilig nanaman ako?!" Hinampas ko braso niya.

"You you dont ever never tats my beautiful skin! Mahal ang downy!" Panbakla niyang boses. Eh sa bakla naman talaga siya eh!

"Mas maganda ang tide! Nakakaputi pa!" Pang-aasar ko sakanya.

Kinuha naman niya ang paypay niyang hello kitty ang design at pinaypay ang mukha niya.

"Hmm.. Try ko mamaya! Thanks for telling ne bakla!" Napataas nalang ako ng isang eyebrow.

HOURS LATER..

Nagbihis ako ng Plain Blue vcut Shirt, Denim shorts, at Red Sneakers. Nakaponytail lang ang buhok ko.

After kong magbihis, sakto naman na tumawag si Julius sa phone ko.

MY JULIUS
Answer or Decline

Syempre Answer!

"Hi Jules! Pababa na po ako!" I went out of my room and went downstairs.

[Okay.. I'm just outside the--]

Hindi na natapos ang sinabi niya ng buksan ko na ang pintuan at nakita siya na hawak niya ang phone na nakadikit sa kanyang kanang tenga. We smiled at each other. I ended the call and hugged him.

Hours later..

Hinintay namin mag 11:11pm para sa 11:11 wish. Naniniwala kami niyan dahil yan ang hour nung naging kami.

Nung nag 11:10pm na, tumayo kami at lumapit sa malaking puno sa park. May kinuha si Julius na.. knife? Butter knife? Seriously? What will he do? May sinulat siya sa stem ng puno. Hindi talagang sinulat dahil parang inakit niya ito dahil kitang kita talaga. Pinanood ko lang siya habang ginagawa niya iyon.

Nung nag 11:11 na, may nilagay nalang siyang isang word sa last part ng sinulat niya. Binasa ko iyon at napangiti sa ginawa niya.

Jaira and Julius FOREVER AND EVER <3

Hinalikan niya ang noo ko noong napaluha ako sa ginawa niya..

"Ipakita natin sa kanila ang TOTOONG FOREVER." He whispered to me.

We cuddled with each other until curfew time ko na. Hinatid na niya ako sa bahay. "I love you. Akin ka lang, hindi sa bedbugs." Sabi niya sakin. Napatawa nalang ako ng mahina at hinampas ang braso niya dahil sa sinabi niya.

"I love you too." I said.

"I love you three." He said.

"I love you four.." Hindi ko natuloy ang sinabi ko nang biglang bumukas ang pinto ng bahay namin at niluwa nito si mama na masama ang tingin sa akin.

"Kanina pa kita hinihintay batang ka!" Sigaw niya sakin. "Pumasok ka na sa loob!"

"At isa ka pa!" Turo niya kay Julius na inosente ang mukhang nakatingin kay mama.

"P-po?" Nauutal na tanong ni Julius.

"Umuwi ka na!" Sigaw ni mama nito.

Pinapasok naman ako ni mama sa loob at sinarado ang pintuan. "Matulog ka na kung ayaw mong ma grounded!"

Agad ko naman siyang sinunod. Aba ayaw kong ma grounded ano!

1st Anniversary Day..

Pumunta kami sa park kung saan kami nanggaling last week. Umupo kami sa bench.

"Knock knock!" Sabi niya sakin.

"Who's there?"

"Turkey!"

"Turkey who?"

"Talk turkey to me~" Kanta niya sa Talk Dirty ni Jason Derulo. Napatawa nalang kami.

"Naniniwala ka ba sa forever?" Tanong ko sa kanya out of nowhere.

"Hmm.. Depende. Eh ikaw, naniniwala ka ba?"

"Depende din. Pero nagtataka ako sa mga sinasabi nila na 'Walang Forever!' bakit ang bitter nila? Eh ano ang tawag nila sa mga lolo at lola nila?"

"Lolo at lola." Pamilosopo niya. Binatukan ko naman siya kaya napa-aray nalang siya. "Joke lang! Ito naman oh. Syempre, kung naniniwala ka sa fairytales lalong lalo na't babae ka, edi 'Happily Ever After,' pero pag stories lang edi 'The End'. Hahahaha!" Napatawa nalang kami.

Hangga't maya-maya, nagtapat ang aming labi. Hindi ako makahinga.. Ito na ba talaga ang first kiss namin? Really? Nakaabot na talaga kami sa part na naging ganito na talaga kami?

Palapit nang palapit ang labi niya sa labi ko.. Owemji. I'm gonna die. Hangga't nafeel ko na ang lips niya sa lips ko, pero.. Hindi pa talaga nagtouch ng fully ay lumayo na siya sa akin. Napakunot nalang ako ng ulo ko. "A-anong nangyari? B-bakit?" Nauutal kong tanong. May bad feeling ako.

"I'm sorry Jaira.. I'm sorry.. I can't do this. Di ko na kaya. Napapahulog na ako sayo. Sa totoo, ginamit lang kita para makuha ang mga gusto ko gamit ang mga pera mo. Ginamit kita para mapagamot ko ang nanay kong may sakit. Sorry. Sorry talaga Jaira.. I'm sorry. Lets break up.. Ayoko na." Sakto naman na tumulo ang luha ko sa huling sinabi niya. Lumakad na siya palayo. Napatingala nalang ako sa kawalan nang nakalayo na siya.. Hanggang sa bumuhos ang malakas na ulan..

Napatayo ako at sumilong sa isang malaking puno. May nabantayan ako sa puno kaya agad ko tong tinignan. May nakita akong nakaguhit doon.

Jaira and Julius FOREVER AND EVER <3

"Julius.. Nasaan ang forever?"

———————
a/n: Musta ang pinaka first na oneshot na nagawa ko? Okay lang ba? Hahaha! Sorry naa. Baka may natamaan. Dejoke. Hahaha. Sorryyy. ^O^v

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 23, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Nasaan ang Forever? (ONE-SHOT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon