CHAPTER 5

261 5 2
                                    

CHAPTER 5

NAPAHILAMOS NA LANG ako sa aking mukha habang walang tigil sa pag tulo ang luha ko. Nakaalis na si Davis papunta sa kumpanya nila. Kaya ngayon hawak hawak ko ang aking dibdib dahil sa sunod sunod na hikbing lumabas sa aking bibig.

Nandito ako ngayon sa loob ng banyo. Pinatay ko na ang gripo at inangat ang ulo para tignan ang sarili sa harap ng salamin. Panibagong pasa na naman ang aking natanggap dahil sa kanya. 

Napabuntong hininga na lang ako at hinayaan na lang 'yon. Nang makalabas sa banyo ay nakita kong tulog parin ang anak ko kaya nag-almusal muna ako. Pagkatapos ay ininom ang contraceptive pills.

Sinimulan ko na rin mag-bilang ng pera para sa pangangailangan namin ng isang buwan. Alam kong hindi ako iiwanan ng pera ni Davis kaya lahat ng naipon kong pera sa pag-tatrabaho ay 'yon ang gagamitin ko. Kaya pa naman 'yon at saka tuloy tuloy parin ang pag-tatrabaho ko roon sa shop.

Naligo na rin ako pagkatapos ko mag-almusal. At sakto no'n paglabas ko sa banyo ay nakita kong gising na si Thalestris.

"Hi, baby? Gutom kana ba?" nakangiti kong tanong habang pinupunasan ang basa kong buhok.

Humagikhik siya at dahan dahang tumayo pagkatapos ay nilapitan ako. Lumawak ang ngiti ko dahil doon at sinalubong siya. Hinaplos ko ang buhok nitong naka-pig tails at may cute na maliliit na hairclip. Naka pampers lang siya at pink na sando.

"Mama. Mamam," mahina nitong wika.

Sinampay ko sa maliit na upuan na nakapwesto sa tapat ng vanity table ang towel at binuhat siya.

"Okay, baby. Gagawa lang si Mommy ng makakain mo, okay?" malambing kong sagot sa kanya.

Humagikhik siya at hinalikan ang pisngi ko. Bumaba kami at nagtungo sa dining area. Kinuha ko ang cereals niya at yogurt para sa baby. Pinaupo ko siya sa high chair nito. Binilisan ko na lang ang ginawa ko para hindi siya mainip at baka topakin pa ito mahirap na.

"Here you go, baby. Eat well," nakangiti kong sambit at binigay na sa kanya ang pagkain.

Pinanood ko lang siyang kumain at naupo sa bakanteng upuan. Bumaba ang tingin ko sa cellphone ko ng bigla 'yon tumunog. Nang mabasa ko kung sino ang caller doon ay sinagot ko agad ang tawag.

"Hello, Davis?" wika ko.

"Cheska, dapat pag balik ko diyan naka bihis kana. Ayaw ko ng nag-hihintay, naiintindihan mo ba?" seryoso nitong sagot sa kabilang linya.

Wala sa sariling napatango ako na akala mo ay nasa harapan ko siya.

"Oo, Davis—"

Hindi ko natapos ang sinabi ko ng patayin niya ang tawag. Huminga ako ng malalim at nilapag 'yon sa lamesa. Hinintay ko lang na matapos si Thalestris bago simulan mag-linis ng bahay.

Inabot ako ng tatlo o limang oras sa pag-lilinis dahil pulido dapat 'yon at magagalit si Davis kung makakakita siya ng dumi o alikabok. Nilingon ko ang anak ko na ngayon ay nakatulog na sa sulok habang hawak ang barbie doll nito. Mahina akong natawa at nilapitan siya.

"Nakatulog kana diyan, 'nak," natatawa kong wika.

Hinalikan ko ang noo niya at binuhat papunta sa crib nito para makatulog ng maayos.

Tinali ko ang plastic na naglalaman ng mga basura at dinala 'yon sa labas ng bahay dahil may kukuha no'n mamaya. Napahawak ako sa likod ko ng maramdamang sumakit 'yon. Hindi ko inaasahan na makikita ko si Louie rito.

May bahay siya rito sa subdivision na 'to?

Nakita ko siyang naglalakad sa side walk at may hawak na box sa kanan niyang kamay. Naka tshirt siya na pula at puting short. Naka nike slides lang din siya at bagay na bagay sa kanya 'yon kahit simple lang.

Painful Regrets (Gorqyieds Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon