CHAPTER 4

251 7 1
                                    

CHAPTER 4

NAPAKAMOT AKO SA AKING ulo ng marinig muli ang iyak ni Thalestris. Mabilis akong nagtungo sa kanyang pwesto para tignan kung anong mali sa kanya. 

"Baby, What's wrong?" malambing kong tanong sa kanya.

Nakita kong dahan dahan itong tumayo sa crib at humawak. Umangat ang dalawa nitong kamay sa akin, nagpapabuhat siya. Mahina akong natawa at binuhat siya. 

"Nagpapalambing ka kay Mama?" mahina kong tanong sa kanya habang hinahaplos ang kanyang buhok. 

"Mama, " wika nito at sinandal ang ulo sa aking balikat.

Kinabit ko ulit ang baby carrier ni Thalestris sa akin at doon siya nilagay. Naupo ulit ako sa aking kinauupuan at tinignan ang sarili sa maliit ng salamin na dala ko. Minu-minuto kong tinitignan ang mukha ko roon para tignan ang pasa o sugat na natamo ko.

Nahuhulas kasi siya dahil sa pawis kaya kailangan ko ulit tapalan 'yon. Mahirap na at baka mapansin pa nila. Muntikan ko ng mabitawan ang salamin ng biglang tumunog ang notification sa cellphone ko.

Davis:

Pupunta tayo ng mall pagkauwi ko.


Huminga ako ng malalim at na-replyan siya.

 
Cheska:

Sige, Davis.


Nang masend ang reply ko sa kanya pinasok ko sa bulsa ng pantalon ang phone ko at tinuon na lang ang pansin sa pagbabantay ng aking anak. Inaasist ko rin ang mga customer na pumapasok dito. Ang bigat ng pakiramdam ko ngayon, ramdam na ramdam ko na ang pagod ng buong katawan ko. Mabuti nga at nakakaya ko pa. 

Hindi naman mahirap ang trabaho ko rito. Ang totoo ay sobrang bait ng boss namin kaya ang swerte ko rin. Break time namin ngayon kaya kinakain ko ngayon ang baon ko. Tahimik lang akong kumain habang sinusubuan si Thalestris. Pagkatapos nito ay papatulugin ko na siya para hindi ako mahirapan sa gagawin ko rito sa shop.

"Cheska? Ay! Nandiyan kana pala. Puwede pasuyo? Dadating na kasi yung mag-aayos ng CCTV dito sa shop natin. Pa-assist na lang siya kapag dumating na. Na-je-jebs na talaga ko, sorry!" nagmamadaling wika ni Mica at hindi na hinintay ang sagot ko.

Mahina akong natawa at napailing. Niligpit ko ang pinagkainan namin at hiniga si Thalestris sa crib ng makatulog ito sa aking bisig. Nag-retouch pa ako bago hintayin ang mag-kakabit ng bagong CCTV namin.

"Cheska! Patulong na lang sa mag-aayos ng CCTV, ha? Busy sa opisina ko. Pasensya kana," nakangiting salubong sa akin ni Boss namin na kakapasok lang sa shop.

Ningitian ko siya at tumango. "Okay lang po. Ako na po bahala sa mag-aayos ng CCTV."

Tumango siya akin. "Okay, thank you!"

Sinundan ko pa siya ng tingin hanggang sa makapasok sa opisina nito. Inunat ko muna ang aking katawan at pumunta na sa aking pwesto, hinihintay ang magkakabit ng CCTV.

Nakayuko ako ngayon at abala sa paglilinis ng salamin na naglalaman ng mga binibenta naming alahas at perlas. Napantig ang aking tenga ng marinig ang pagtunog ng bell sa pintuan, ibig sabihin ay may pumasok na customer.

"Welcome po—"

Napawi ang aking ngiti ng makita kung sino ang pumasok. Maputi ang kanyang balat, halatang alaga ito sa kanyang katawan dahil kitang kita ko ang biceps nito dahil sa itim nitong sout na sando. Bagsak lang ang itim nitong buhok at ang singkit pero seryoso nitong mata. Si Louie.

Painful Regrets (Gorqyieds Series #2)Where stories live. Discover now