CHAPTER 1

546 8 8
                                    

CHAPTER 1

HINDI pa sumisilip ang araw ay bumangon na kaagad ako sa kama para ipaghanda ng almusal si Davis—ang asawa ko. Kahit mabigat ang aking katawan dahil sa pagod ay pinilit ko pa rin gumising para maasikaso siya.

"Thalestris." I whispered. Hinaplos ko ang buhok nito at hinalikan ang kanyang noo. "Sleep well, baby. Magluluto lang si Mama, hmm?"

Napangiti na lang ako ng magusot ang mukha nito dahil sa pag-halik ko sa kanya. Naghilamos muna ako at nag toothbrush sa banyo nitong kwarto bago bumaba. Ano mang oras ay magigising na rin si Davis kaya mas binilisan ko ang aking kilos.

Focus ako sa pag-luto ng almusal niya dahil gusto niyang nakahanda na ang pagkain nito pagkababa niya. Nagtimpla rin ako ng paborito nitong mainit na kape. Maingat ko 'yon pinlastar sa lamesa at naghugas ng kamay ng matapos ako.

Muntikan pa akong mapatalon sa gulat ng marinig ang malakas na kalabog galing sa hagdanan. Agad kong nakita si Davis na pababa ng hagdanan, seryoso ang kanyang mukha. Nakaayos ang buhok nito sa iisang puwesto at halatang bagong shave ang kanyang balbas. Matangos ang kanyang ilong at ang makapal nitong kilay ay magkasalubong, wala naman nagbago dahil laging magkasalubong ang kanyang kilay.

Nagtungo ito sa dining area. Bumilis ang tibok ng puso ko at bumaba ang tingin sa kamay nito. Natural na gano'n ang magiging reaksyon ko tuwing nakikita ko siya.

"Goodmorning, Davis," bati ko sa kanya.

Tumango ito. "Goodmorning. Maaga ako uuwi mamaya kaya magluto ka kaagad ng ulam. Ihanda mo na rito yung kakain natin para hindi na ako maghintay pa."

Parang batang masunurin akong tumango. At nanatiling nakatayo sa gilid nito at baka may ipaguutos pa siya. Muli akong naghugas ng kamay at napapikit ng marinig ko ang pagkabasag ng baso. Hinarap ko si Davis na ngayon ay nanlilisik ang mata sa galit habang nakatingin sa akin.

"Putangina naman Cheska bakit ganito lasa ng kape ko?!" sigaw nito sa akin.

"H-huh?" nauutal kong tanong. Parang tinambol ang aking dibdib dahil sa kaba na aking naramdaman.

Lalong kumunot ang noo nito at nilapitan ako. Umatras ako at agad din na-korner dahil pader na ang nasa likuran ko.

"Anong huh!? Ang tagal mo ng nakatira rito sa bahay natin napapagpalit mo parin yung asukal sa asin!" galit nitong wika at marahas na sinapo ang aking panga.

Napadaing ako at hinawakan ang malaki nitong kamay na nakahawak sa aking panga. Nanginit ang sulok ng aking mata dahil doon. Heto na naman siya. . . Lagi niya na lang ako pinagbubuhatan ng kamay.

"S-sorry, Davis. Igagawa na lang kita ng panibagong kape. Sorry—"

"Sorry! Puro na lang sorry! Tangina, Cheska. Napupuno na lang ako sa sorry mong tanga tanga ka!" singhal nito sa akin.

Mas lalo niyang hinigpitan ang hawak sa aking panga kaya muli akong napadaing. "D-davis, tama na. Masakit n-na."

Tumulo ang pinipigilan kong luha ng malakas niyang dinamba ang likod ko sa sinasandalan kong pader. Dahil maliit ako at hindi gaano malakas ang aking katawan ramdam ko kaagad ang sakit no'n. Hindi pa nakuntento ay malakas niyang pinadapo sa aking pisngi ang kanyang palad. Dahil malakas ang pagkakasampal nito sa akin ay sumalampak ako sa sahig.

Habol ang aking hininga at sunod sunod na paghikbi ang pinakawalan ko. Nanlalabo na ang aking paningin dahil walang tigil sa pagtulo ang aking luha.

"Tuwing umaga na lang!" asik nito at binalingan ako ng tingin. "Aalis na ako! Itapon mo lahat ng pagkain na 'yan at kapag bumalik ako na nasa ref pa 'yan isasaboy ko sa pagmumukha mo lahat n'yan. Naiintindihan mo ba!?"

Painful Regrets (Gorqyieds Series #2)Where stories live. Discover now