Kabanata I : Simula - Ang kasunod ng wakas.

4.2K 88 21
                                    

February 06, taong 2018. Sa boracay, kung saan ay nagkaroon ng isang labanan sa pagitan ng mga anghel at dimonyo. Nagdulot ito ng matinding pinsala at takot para sa mga taong nakatira at nagtutungo dito.

Halos may tatlong buwan na rin ang nakalilipas ng magwakas ang buhay ng isang makasalanang anghel, si Luke. Naging makasalanan siya dahil sa mga nilabag nito sa kanilang mga batas bilang isang anghel at sa pakikipagsabwatan nito sa may likha ng makasalanang sandata upang ito'y kaniyang magamit. At dahil sa mga pangyayaring naganap sa boracay, nasira ang turismo dito. May ilang mga saksi na hanggang sa ngayon ay may troma pa sa mga nasaksihang pangyayari. Ngunit gayunpaman ang sinapit ng torismo ng boracay ay tuloy-tuloy pa rin ang pagdagsa ng mga tao dito. Hindi dahil sa mapuputing buhangin o magagandang beach resort dito, kundi dahil sa naiwang sandata ng makasalanang anghel, ang Fallen wing. Ngunit hindi alintana ng mga tao na mapanganib ang lumapit sa naturang sandata. May ilang mga taong lumapit at nagtangkang kunin o hawakan ito, ngunit lahat sila'y nagtamo ng mga pinsala bago pa man makalapit ang kanilang mga kamay sa sandata. At dahil sa mga pangyayaring ito ay minabuti ng gobyerno na higpitan ang siguridad sa lugar upang wala ng masaktang mga sibilyan. Gumawa din ang gobyerno ng mga pasilidad upang mapag-aralan ang naturang sandata, dahil sa pagbabakasakaling magamit nila ito sa hinaharap.

 

“Na uunawaan ko ang nararamdaman mong pagdurusa sa ngayon. Katulad mo lang din ako. Puro galit, purong puot, purong paghihiganti at katarungang na babagay sa mga mapang-api. Hali ka, kunin mo ako at paparusahan na’tin ang mga makasalanan.”

Nagising si Eucy sa isang madilim na lugar. Sa ngayon ay labis siyang nagtataka, dahil hindi niya matukoy kung nasaan siya ngayon.

 

“Teka na saan ako? Anong lugar ito?” Sambit ni Eucy.

Habang siya ay nagsasalita ang lugar ay unti-unting nagliliwanag at ilang sandali pa ay may nakita na siyang isang tao.

*Huh? Sino ka at nasaan tayo?” Tanong ni Eucy.

Ngunit ngumiti lang ang lalaki sa kaniya at sa hindi niya maipaliwanag na dahilan ay unti-unti itong lumalayo sa kaniya, kahit hindi naman ito gumagalaw o lumalakad. Sa labis na pag-aalala ay mabilis niya itong hinabol, ngunit ng malapit na niya itong maabutan ay bigla na lang nagliwanag ang buong kapaligiran. Bigla siyang napahinto at kalaunan ay napa pikit, dahil sa nakakasilaw na liwanag. Ilang sandali pa ay unti-unti na niyang iminulat ang kaniyang mga mata.

“Na saan ako? Beach?” Sambit ni Eucy.

Habang nagtataka ay mabagal na naglakad si Eucy kasabay ng pagmamasid sa kaniyang paligid. Ngunit ilang sandali pa ay may nangyaring kakaiba, tila kasi mabilis siyang umuusad patungo sa isang lugar. Muli ay napahinto siya at kalaunan ay nagtaka matapos makita ang isang ispada na nakatarak sa buhanginan na sa ngayon ay nasa kaniyang harapan.

 

“Sandali, ano ito? Isang ispada? Teka parang ito yung nasa balita. Ang ispadang ginamit ng anghel laban sa mga dimonyo doon sa boracay. Pero bakit nandito ito? Nasa boracay ba ako?” Sambit ni Eucy.

Matapos magsalita ay muling nagmasid si Eucy sa kaniyang paligid upang alamin ang lugar kung nasaan siya.

Fallen Wing: Ang makasalanang sandata [REMAKE!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon