Chapter 9 (3/19/15)

682K 17.5K 2.8K
                                    

Chapter 9

[Timi's POV]

"Look who's back," taas kilay na sabi ni Erin habang nakatingin siya sa akin.

"Look who's here in my territory," sabi ko naman.

Aba syempre magpapatalo ba ako sa babaeng 'to? Wag niyang sabihing porket nakataas ang kilay niya eh matatakot ako sa kanya? Pwedeng-pwede ko siyang ipakaladkad sa security guard namin!

She stepped forward at mas tumaas ang kilay niya. I glanced at Ice and I saw his nervous expression.

"It's been five years," sabi ni Erin.

"I know. Marunong akong mag bilang ng taon. Hindi mo na kailangan sabihin sa akin," pang babara ko naman sa kanya.

Mas lalong naging dark ang aura niya.

"Ba't ka pa nagpakita!"

"Huh. Ako?" tinuro ko ang sarili ko. "FYI ikaw ang nagpakita sa restaurant ko."

"You're so---!!"

"Erin stop."

Pareho kaming napalingon dalawa ni Erin kay Ice.

Lumapit si Ice kay Erin at ipinatong nito ang kamay niya sa balikat ni Erin.

"Stop it. Please."

Pinanliitan ng mata ni Erin si Ice pero seryoso lang itong nakatingin kay Erin.

"Seriously Ice?"

"We'll talk later. Just please, go."

"Ayoko!" tinabing ni Erin ang kamay ni Ice na nasa braso niya. "So dito ka nag pa-cater para sa birthday mo? Now I know. Kung may meeting kayong dalawa, sasama ako. I cannot leave you alone with that woman!"

Napa-ngisi ako sa sinabi ni Erin.

"Why? Are you threatened, Erin?"

Hinarap niya ako, "huh?! Threaten?!"

"Oo. Ano namang masama kung sa akin nagpa-cater si Ice? Natatakot ka na baka maagaw ko siya sa'yo?"

Kumunot ang noo niya, "what the hell?!"

"Ice!"

Pare-pareho kaming napalingon sa tumawag kay Ice at nakita namin si William na papasok.

"Uy Timi!" naka-ngiting bati ni Will sa akin.

"Will."

Nilapitan kami ni Will at bigla siyang napatingin kay Erin at parang nagulat siya na nandito ito. Mukhang hindi niya napansin si Erin kanina.

He gave her a curt nod at iniwas naman ni Erin ang tingin niya kay William.

Pero parang may nag bago sa expression ng demonyitang babae.

Her facial expression softens. Para siyang nagmukhang isang inosenteng bata.

Okay? What the hell?

Nag ha-hallucinate ba ako.

"Ice, we have an emergency meeting sa agency. Kailangan nating pumunta."

"Okay."

Nilingon ako ni Ice.

"I'm sorry. Can we cancel our food tasting today?"

"Okay lang."

"I'll just give you a call kung kelan pwede."

Tumango lang ako at naglakad na si Ice at Erin palabas ng restaurant ko.

"Save by the bell," I muttered.

Game Over (EndMira: Ice -- book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon