Broken-hearted Stranger (one-shot story)

50.1K 1.3K 328
                                    

“Sorry Chade pero hindi ko na kaya. Selos na selos na ako sa babaeng yun. I need to have a space between us. Lalayo na ako sayo. Pakakawalan na kita. Sana sasaya ka na sa tabi niya.”

Agad akong napahinto sa paglalakad dito sa hallway nang may narinig akong naguusap sa isang classroom. 30 minutes na ang nakalipas mula nung dismissal time kaya wala na masyadong students dito sa building. Lumapit ako sa may pintuan nung classroom at nilapat yung tenga ko sa door. Naririnig kong may nag-uusap na isang babae at isang lalake. Parang malungkot yung tono ng boses nila. Hindi ko masyadong maintindihan ang mga pinagsasasabi nila.

Mga 5 minutes akong mukhang shunga doon na pinakikinggan ang ‘heart breaking conversation’ nila kahit hindi masyadong klaro sa pagkakadinig ko nang bigla silang huminto sa paguusap.

Hanggang sa may narinig akong footsteps na papalapit sa door. Sobrang lapit na nang namalayan kong ganun parin ang posisyon ko.

Tatakbo na sana ako palayo. Tumalikod na ako nang biglang bumukas ang pinto. Ang lakas ng pagkakabukas to the point na natamaan ang likod ko. At dahil sa kaba, hindi ko na nakontrol ang katawan ko.

The next thing I knew, parang 1 inch nalang at mahahalikan ko na ang sahig ng hallway.

May lumabas na babae na halatang galing sa pag-iiyak dahil namamaga pa ang mga mata niya. Tinignan niya ako at bakas sa mukha niya ang pagkabigla. Hindi yung pagkabigla na lalabas sa mukha mo kung may nagawa kang hindi mo sinasadyang gawin kundi ang pagkabigla na may halong galit. Ewan ko kung kanino siya galit. Dun sa lalakeng kinausap niya kanina o sa akin?

Tinitigan niya lang ako sabay sabing “Sorry” atsaka tumakbo palayo.

Nilapat  ko na yung mga kamay ko sa sahig at tumayo ako at hinarap yung pinto na nasa likod ko kanina. Hahawakan ko na sana yung doorknob nang may biglang nagtulak nito sa kabilang side kaya papunta naman sa akin yung pinto. This time, hindi na yung likod ko ang tinamaan ng pinto kundi yung maganda ko nang mukha! Kaya naman, natumba nanaman ako pero ngayon, yung likod ko na ang nasa sahig.

Ano ba to?! Crush ba ako ng pintong ito?!  

“Liezel -------! ay pagong!”

 

May lalaking lumabas dun sa classroom at saktong pagkalabas niya, nakaharang yung paa ko.

 

“a---aaray---“ sabi ko habang nakapikit at hinihimas ang ulo ko. Ang sakit din ng likod ko. Ahuhuh! 

“a-ayyy s-sorry.” nabigla ako nang sinabi nya yun kasi parang ang lapit ng boses niya. Dinilat ko yung isang mata ko pero laking gulat ko nalang dahil akala ko nakatayo pa siya.

Oo, isang maling akala dahil pagdilat ko ng mata ko, pareho na pala kaming nakahiga sa sahig….

… and he was on top of me.

GRABE. AWKWARD SITUATION.

Broken-hearted Stranger (one-shot story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon