True Love

6 1 0
                                    

There's no turning back now.

Pareho kaming huminga ng malalim at nagtinginan bago buksan ang pintuang nasa harap namin. Bumungad ang maaliwalas na Living room. Expected na rin ang designs. Of course dapat mas pabor sa'kin.

Sumingit si Kuya Chops at naunang pumasok sa loob. Nilagay niya lahat ng gamit namin at agad rin umalis pagkatapos.

Ihiniga ko ang sarili ko sa malambot na couch at nilapag ang mga bags na dala ko. Nakakapagod.

"I thought you're independent. Bakit ka pumayag mangyari 'to?" tanong ni Sky. Ang makakasama ko sa bahay na 'to, habang buhay.

Huminga ako ng malalim bago sumagot. "Hindi lang ikaw ang nagkakaproblema, Sky."  I answered.

Tumabi siya sa'kin at tinitigan ang buong bahay. "Kumusta pagba-banda?"

Tumitig ako sa ceiling. "Ayos lang." tipid kong sagot.

Totoo naman. Walang problema sa pagba-banda. Hindi ko nalimutan ang pinangako ko sa sarili kong hindi na ako babalik sa pamilyang 'yon. Pero olats eh. Tinamaan ako. Big time. Kailangan ko ng pera. 

"I never imagined na magkakausap pa tayo. Lumayas ka sa inyo, hindi mo man lang ako sinabihan."

Inirapan ko lamang siya at umayos ako ng upo. "Kailangan ba lahat alam mo?"

Ngumisi siya sa akin. "Chill. Na-excite lang naman ako. I'm just happy that you're here. Namiss kita, Alex."

Wirdo ko siyang tiningnan.

"Why? May mali ba sa sinabi ko? Hindi mo ba ako namiss?" sunod-sunod niyang tanong. I rolled my eyes at bumulugta na naman sa couch.

"Sky.." nakanguso akong tumingin sa kanya.

"Yes?"

"I'm parched. Kuha mo ako tubig please."

Umiling siya at tumingin sa akin na may halong disappointment.

"Kanina sinusungitan mo ako, ngayon magpi-please ka diyan."

He's really unbelievable. "Dali na kasi. Nauuhaw na ako." anas ko.

Wala na siyang nagawa at tumayo. Tumalikod siya sa akin. Habang naglalakad papunta sa kusina, he slowly removed his shirt.

Nagtaka ako at mas lalong tumitig sa tattoo niya. Hindi niya pa pala pinabura. Lihim akong napangiti ngunit agad ko iyong binura nang makita ko siyang pabalik, holding a glass of water.

"Here." aniya. Agad kong kinuha iyon at nilagok.

"Alex, Are you really sure about this?" taka niyang tanong.

"Nagpakasal na tayo, Binilhan ng bahay, Magkasama na tayo ngayon, tapos itatanong mo sa'kin kung sure na ako?"

"But you know that we're fucked, Alex. Ayoko lang magsisi ka." wika niya.

"Wala naman akong choice. Kapag nakipaghiwalay ako sa'yo, Walong milyon ang magiging utang ko sa pamilya ko. Alam mo naman yun 'di ba?" Nangigigil ako sa kanya. Hindi ba siya nakikinig?

Kailangan ko ng pera. Nilunok ko pride ko para tanggapin 'to. I don't even know kung anong pumasok sa utak nila para bigyan kami ng malaking pera kung magpapakasal kami.

8 million. Sapat na 'yon para mabayaran ko lahat ng pinagkaka-utangan ko at mabuhay sa pang araw-araw. Makakabili pa ako ng bagong gamit namin sa pagba-banda. Pero kung naisipan naming makipaghiwalay sa isa't-isa, magiging utang 'yon.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 26, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

True LoveWhere stories live. Discover now