30 Days Memory With You

112 4 2
                                    

Hapon noon nung nag paplug ako ng number. Wala kasi akong magawa. Kailangan ko ng kausap. Nabore ako dun sa mga nagreply sakin. Kaya humingi ako ng number sa kaklase ko. Hindi ko alam ang pangalan mo nun. Hindi muna kita tinextan kasi mag uuwian na. Kailangan ko ng mag ayos ng gamit.

                                                                               (Kinabukasan)

Day 1- Unang araw kitang tinext. Alam mo ba, ang sungit mo pa sakin. Tapos one word reply lahat ang sinesend mo. Kaso ako naman 'tong si Makulit. Tinetext pa din kita. Ayaw mo sabihin sakin ang pangalan mo.

Day 2- Pinadaanan mo ko ng GM mo. Tuwang tuwa ako noon. Akala ko kasi hindi mo na ko tetextan kasi nakukulitan ka na sakin. Sinabi mo na Cyrus ang pangalan mo. Nakipagkwentuhan ka sakin pero medyo masungit ka pa rin. Pero okay lang yun. Atleast palagay na ang loob mo sakin. Binati mo pa nga ako ng "Good night" eh. May kasama pang "Sleep tight." :)

Day 4- Hindi kita natextan kahapon kasi may sakit ako. Lecheng lagnat yan. Pero hindi ako pwedeng umabsent kasi madaming activities sa school. Bawal umabsent. Ayaw din ng Mommy ko. Sa ayaw ko man at sa gusto ko, papasok pa din ako. Hindi ko na kaya noon. Dinala ako ng kaklase ko sa clinic. Nag alala ka sakin noon kasi nasa clinic ako. Alam mo ba, na touch ako dun. Hindi kasi ako sanay na may nag a alala sakin kasi ang alam ng lahat, astigin ako sa school. 

Day 7- Ayan, one week na tayong magkatext. Kahit bawal magtext pag class hours, nirereplyan pa din kita kasi natutuwa ako sayo. Napapatawa mo ko. Ang dami nating pinagkwentuhan. Parang matagal na tayo magkakilala. Sinabi ko sayo na hindi ako masyadong gumagawa ng gawaing bahay. Sinabi mo na baka malambot ang kamay ko. Hahaha! Oo, malambot nga. Tapos nag share din ako ng problema ko sayo. Kinwento ko yung lalaking nanggago sakin. Ang unang lalaki na minahal ko. Kaso hindi niya ko sineseryoso eh. Ako naman 'tong si Tanga. Sineryoso ko siya. Yun pala, lokohan lang ang lahat. Namura mo pa nga siya nun eh. Sinabi mo na sumosobra na siya. Pero chinange mo ang topic para hindi na ako malungkot. Napangiti ako kasi napaka conseiderate mo sa feelings ng iba. Inalok mo ko ng pizza. Sinabi mo sakin na kung magkikita tayo, bibilhan mo ko ng pizza. Kahit ilang boxes pa ang gusto ko, ibibili mo pa din ako. Iniinggit mo din ako sa ice cream na kinakain mo. Saktong pareho tayo ng favorite flavor. Vanilla. :">

Day 9- Unang beses mo kong tinawagan. Hindi mo alam kung gaano ko gustong marinig ang boses mo. Para ka kasing mystery sakin. Ang ganda ng boses mo. Panlalaki talaga. Your voice melt my heart. Ang tagal nating mag usap. Umabot pa ng 1 am. Sobrang dmi nating napag usapan. Tungkol sa weaknesses mo at weaknesses ko. Pati yung nickname mo nung bata ka pa. Ang cute cute nga eh. Nalaman kong favorite mo ang mango. Sakin naman, apple. Ang dami kong nakuhang love lesson at life lesson mula sayo. Tinanong mo ko kung may FB ka. Sabi mo, meron. Matagal mo ng di nabubuksan yung account mo pero binuksan mo nalang ulit yun para lang mai addm o ko. Nga nga ako noon sa kagwapuhan mo. Tapos naalala mong may pasok tayo pareho kinabukasan. Bago mo ibinaba, nag good night ka sakin. Hindi na ko nakasagot kasi binaba mo na bago pa ko makapagsalita. Tinext mo ko na Magpahinga na ko at wag na kong magreply. May sweet dreams pang kasama.

Day 15- Tinetext kita kaso di ka nag rereply. Nag aalala ako sayo. Akala ko kung ano na ang nangyari sayo. Exam week niyo pala kaya hindi mo ginagamit ang phone mo. Nag promise tayo sa isa't isa na magiging magkaibigan na tayo. Ikaw ang pinaka una kong bestfriend na lalaki. 

Day 19- Lagi mo akong binabati ng "Good Morning."  "Take care." . Ganun din ako sayo. Wagas tayo kung magkwentuhan. Nasanay na ko na katext ka araw araw. Feeling ko hindi kumpleto ang araw ko kung wala akong nareceive na text mula sayo. Eto yung araw na nabore ako sa school. Puro paglilinis lang ang ginagawa namin. Sabi ko gusto ko ng umuwi. SInabi mo na ipapasundo mo ko gamit ang chopper. Maglalanding ka sa itaas ng school namin. Hahahaha! Sasamahan mo akong umuwi kasi hindi ako sanay na mag commute mag isa. Kahit na astigin ako sa school, nasanay akong sinusundo ako pag uwian. Pagod na pagod ako sa kalilinis nun. Kaya naman nahiga ako ng floor ng classroom. Napagalitan mo nga ako nun eh. Sabi mo, bawal akong mapagod. Hahahaha! :D

Day 21- First time mo kong binati ng "Good Morning, Xandz ko." Ang lakas ng kabog ng dibdib ko.  Narealize ko, Nahulog na ko sayo. Masyado ka kasing sweet, caring at considerate sa feelings ng iba. Nasesense ko na gentleman ka din. Haaay. Crush na kita.

Day 23- Tumawag ka ulit sakin. Sabi mo kapag nabisita ka dito, kikidnapin mo ko para makagala tayong dalawa. Natawa ako sayo nun. XD   Sobrang taga nating magkausap. Hindi ako nagsasayang ng oras sayo. Kung san san nga napunta yung topic natin eh. Tapos sabi ko, kantahan mo ko. Um-oo ka naman. Kumanta ka ng "Little Things" at "Halaga". Di ko man sabihin sayo pero lumambot yung puso ko dahil sa boses at song choices mo. 

Day 25- Nabanggit ko sayo na marunong akong mag piano at gitara. Tinugtog ko sayo ang Payphone na Piano Version kasi yun ang favorite kong kanta.Kinanata mo naman ang lyrics kaya ganado akong mag piano. Tapos tinanong mo ko kung alam kong igitara yung "Ako'y Sayo at Ika'y Akin Lamang". Sabi ko, Oo. Kinanta natin yun. Tapos tinugtog ko pa ang "Huling Sayaw", "Vulnerable", "Buko" at "Ikaw Lamang". Speechless ka nga nun eh. HAHAHAHAHA! Tawang tawa ako sayo kasi nagmamaktol ka. Kababae kong tao, marunong mag gitara tapos ikaw, Hinde. :D 

Day 26- First tampuhan natin. Ayoko kasing umagree sa pinag uusapan natin. Debate tayo ng debate kung sino ang favorite nating band. Nag sorry ako sayo nun. Nung una, ang hirap mong suyuin pero bumigay ka pa din. Sabi mo, hindi mo naman ako matitiis kaya pinatawad mo ko. Valentine's Day na kinabukasan. Tinawagan mo ko para mag countdown. Nung 12 am na, sabay nating binati ang isa't isa ng Happy Valentine's Day. :")

Day 27- Valentine's Day na. Wala akong ka date. Independence day 'to para sakin. XD Tapos eto rin yung araw na umamin ako sayo na gusto kita. Nahulog ako sayo. Kinapalan ko na ang mukha ko. Kahit walang assurance na sasaluhin mo ko, gusto ko paring ipaalam sayo na gusto kita.

Day 28- Sinabi mo ding gusto mo ko. Kaso may nililigawan ka pala. Parang gumuho ang mundo ko nung nabasa ko yung text mo. Nasaktan ako dun. Ni hindi mo man lang sinabi na meron ka palang nililigawan. Masyado ka kasing pa sweet eh. Ayan tuloy. Nahulog ang tanga kong puso.

Day 29- Nag P-PM ka pa din sakin ng "Good Morning." Nag uusap pa din tayo. Kaso eto yung araw na nasaktan mo ko ng sobra. Sabi mo kasi sakin, pag hindi ka sinagot ng babaeng gusto mo, ako naman ang liligawan mo. Nainis ako sayo noon. Ginawa mo lang akong option. Hindi porke't crush kita at alam mong may gusto ako sayo, wala kang karapatang ipadama sakin na option mo lang ako. Nakakakulo ka ng dugo. Sinabi ko na, No thanks nalang. Tapos ang reply mo sakin, "Okay. Walang pumipilit sayo." Hindi ko lubos maisip na ganyan ka pala. Leche lang oh. Hindi na ko nagreply sayo. Mas pinili kong wag ka nalang kausapin. Sobrang nasaktan ako sa huling message mo sakin.

Day 30- Hindi ka na nagtext sakin. Buong araw tahimik ang phone ko. Oo na, inaasahan kong magtetext ka. Pero kahit blank message, wala. In the first place, wala akong dapat ikagalit kasi hindi naman tayo. Hindi mo naman ako niligawan. Sorry kung ganito ako makareact ha? Nasaktan mo lang naman kasi ako. Isa sa mga bagay na pinagsisihan ko sa mundo, ay yung nagkagusto na ko sayo. Pero hindi ko pinagsisihang nakilala kita kasi napasaya mo rin naman ako. Alam kong hindi na tayo magpapansinan mula sa araw na ito. Gusto ko lang magpasalamat sayo dahil naging parte ka ng buhay ko. Hindi ka naman nagtagal nagpapasalamat pa din ako. Salamat sa mga alaalang pinagsaluhan nating dalawa. Salamat sa mga oras na inilaan mo sakin. Sana hindi ko nalang sinabing mahal kita. Pero wala na akong magagawa para mabago iyon. Siguro nga  hanggang dito lang tayong dalawa. Wala ng hihigit pa....

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 13, 2013 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

30 Days Memory With YouWhere stories live. Discover now