-

169K 2.9K 321
                                    

----------

“Baka naman gusto mo kaming kausapin, Yuri? Kanina ka pa e!” naiinis na binato sa akin ni Carrie ang nilamukos niyang papel. “Ano ba?!” I looked at her sharply. Bastusan? Kitang may katext ako, mamamato? Iumpog ko kaya sa pader ‘to?

“Ganyan! Ikaw pa galit, Yuri?” gatong naman nung isa ko pang bestfriend na si Keizha. Tinignan ko lang din siya ng masama. Inaano ko ba sila?

“Kayo talagang dalawa… hindi niyo ba nakikita? Nagdadalaga na si Yuri!” inakbayan naman ako ni Kathleen. “Ano ba?” iginalaw-galaw ko ang balikat ko. Ang gugulo naman nitong mga ‘to e!

“Sino ba ‘yang katext mo at ayaw mong magpa-istorbo?” kinuha ni Carrie ang phone ko. “Akin na nga ‘yan!” tumayo ako pero hinarangan ako ni Keizha. “Aish!” I rolled my eyes. Kainis naman oh!

“Ayun! Si Hiro na naman ang katext!” padabog na ibinigay niya sa akin ang phone ko. “Sino ba ‘yang Hiro na ‘yan?” tanong sa akin ni Kathleen. “Kaibigan ko.” Sagot ko. I looked at my phone pero wala pa ding reply. Busy kaya siya?

“Kaibigan o ka-ibigan?” pang-aasar niya sa akin. “Kaibigan ko.” Sagot ko sakanya. “Whatever…” she smiled.

“Asus! May kaibigan bang titiyagain mong kausapin hanggang alas-kwatro ng madaling araw?” kontra na naman ni Keizha. Kontrabida talaga sa buhay ko ‘yan. “You can fool them, Yuri… but not me,” she added.

“I’m not trying to fool you. Magkaibigan lang naman kami ni Hiro e.” Sumandal ako sa upuan ko habang nakatitig sa phone ko. Ang tagal naman niya magreply. Nagtype ako ulit, ‘Busy ka ba?’ then I send it. Parang mali? Mukha akong naghihintay na girlfriend pero bahala na.

“Oh my gosh! Nagreply na siya!” hindi ko mapigilang mapa-impit na tili nung nakita kong may message from him. Nagtinginan naman sa amin ang mga kaklase ko.

“Nabaliw na naman siya.” Napailing nalang si Carrie.

“Kelan ba hindi baliw ‘yan?” tanong ni Keizha.

“Yaan niyo na, in love e.” Kathleen shrugged.

“Ang eepal niyo.” I rolled my eyes tapos nakangiti kong binalingan ang cellphone ko. Nagtext na siya!

‘Sorry. May kinausap lang ako. Nasa school ka na?’ – Hiro

‘It’s okay. I just got worried about you. Yeah, nasa school na ako. Ikaw?’ – Ako

‘Tinatamad nga akong pumasok e. Haha.’ – Hiro

‘Ikaw? Tinatamad? Kwento mo. Haha :D Pumasok ka, huy!’ – Ako

“Luh? Nababaliw na talaga siya…” narinig kong sabi ni Keizha. Nilingon ko siya. “Sige, Yuri… I-ngiti mo lang ‘yan. Mamaya, ipapasok ka na namin sa Mandaluyong!”

“Ikaw, hindi kita pinapakelaman sa lovelife mo ha? Wala akong sinasabi kay Kiel kaya manahimik ka diyan,” inirapan ko nalang siya. Kainis na bruha ‘to. Pasalamat siya mahal ko siya, kundi, itatakwil kong kaibigan ‘yan! Akala mo kung sinong matino, pagdating naman sa Cebuano niyang mahal, nababaliw din.

Dumating na ‘yung prof namin kaya obligado akong itago ang phone ko. Kainis naman si ma’am e! Pwede namang tamarin minsan! Pahinga, ganun! Nauudlot ang kilig ko e!

Ay! Ang dami nang nangyari, hindi pa ako nakakapagpakilala. Kinikilig kasi ako kay Hiro e! I’m Yuri Aisaka. Yes, half ako. Half human, half fairy! Kidding. Obviously, Japanese. Pero utang na loob… huwag niyo akong kakausapin sa Japanese. BAKERO lang ang alam ko! I’m 19 years old, 4th year college meaning konting kembot at cartwheel nalang, ga-graduate na ako. Sila naman ang mga kaibigan kong kasama ko sa lahat ng kalokohan ko sa buhay.

I Almost Wished We Never Met [One Shot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon