LeveL 2 - Nag-iisang Babae

21 0 0
                                    

Name        -  In-Game Name

Edward     - Emshen

Raymond - Raygan

----------------------------------------------------------

Simula nang magkahiwa-hiwalay ang walong prodigies, nagsibalikan na rin ang dating mga players. Alam nila na hindi na katulad dati ang SSO. Wala nang one-sided wars at kung ano-ano pa. Tinawag din ng mga players ang dating walong miyembro ng Stark Aeon na Crownless Kings.

Pagkapasok na pagkapasok ni Emshen sa loob ng SSO, nakita niya bigla ang mga nagtatakbuhan na players sa gitna ng plaza. Nakiisyoso na rin siya at nagtanong.

Emshen: Ano nangyayari dito?

Random Player: May isang CK ang nandito sa plaza ngayon at gusto daw makipagduel. Nangangailangan siguro ng pera. hahahaha

Emshen: Duel pala ha... pero anong CK?

Random Player: Crownless Kings pre. Yung walong prodigies na dating mga members ng Stark Aeon.

Emshen: Ohhh... Sige salamat.

Tumango nalang yung player na pinagtanungan ni Emshen at dumiretso na rin sa gitna ng plaza. Sumunod rin siya sa player para makita at subukan na rin makipag-duel pero...

Emshen: Mich Lock?!!!! Bakit yung nag-iisa pang babae ang andito?!

Gulat ni Emshen sa nakita. Si Mich Lock ay ang nag-iisang babaeng miyembro ng Stark Aeon.

Mich Lock: Kita mo nga naman ang swerte. Isang miyembro ng Sleeping Crows ang nagising! hahahahaha Emshen, ano ginagawa mo dito ha?!

Emshen: Tsk... Balak ko sana makipag duel sa isang "Crownless King" daw pero kung mamalasin ka nga naman, isang "Crownless Drunkard Queen" ang makikita mo.

Mich Lock: Aba! Di porket wala na ang Stark Aeon ay humina na ko. Halika at magduel tayo, kailangan ko rin ng pang-inum. hahahahaha

Emshen: Hayyy, sigurado ka? Walang problema sa akin ang tumalo ng babae paminsan-minsan.

Mich Lock: Wag nang puro dada. 100,000 golds! Ano?!

Emshen: Sige, deal!

Nilabas ni Emshen ang dalawa niyang espada, ang BB (Black Blue) Dragon Blade at isang normal na espada. Nilagay niya sa bibig niya ang normal na espada at hawak hawak naman ng kanang kamay ang BB Dragon Blade. Sa kaliwang kamay naman niya ay may lumalabas na usok na nanggagaling sa dulo ng kanyang mga daliri. Ang usok na ito ay bumalot sa buong kaliwang kamay ni Emshen.

Parang wala lang naman kay Mich Lock ang duel dahil tinititigan niya lang si Emshen.

Mich Lock: Mga taga MP (Mystic Palace) school talaga, MAHANGIN!

Emshen: Ikaw naman ngayon ang puro dada diyan. Tingnan natin kung ano ang mas malakas, ang tubig mo o ang hangin ko. 

Mich Lock: Wag mong kakalimutan na isa akong GGP (Grandgan Power) user.

Emshen: Alam ng lahat na lahat kayo sa Stark Aeon ay puro may GGP, di na bago yan.

At nag-umpisa na ang duel. Unang sumugod si Emshen at ginamit niya ang hangin na nagmumula sa kaliwang kamay niya para dumausdos papunta kay Mich Lock. Inaasahan naman ni Mich Lock ito kaya ginamit niya ang specialty ng iskwelahan niya, ang tubig, para gawing pangharang. Hinati lang ito ni Emshen at dire-diretso pa rin kay Mich Lock. Hinagis niya ang espada niya sa kaliwang kamay at hinaluan ng hangin para mas gumaan. Hinagis niya ito kay Mich Lock at sabay kuha ng isa niya pang espada sa bibig at malakas na hangin galing sa kaliwang kamay para mas bumilis siya... Malapit na sana niyang matamaan si Mich Lock nang...

Mich Lock: Wag kang umasa! "Zero Gravity!"

Emshen: Sh*t!!!

Nakaturo kay Emshen ang kaliwang kamay ni Mich Lock habang nakataas naman ang kanan nito. Biglang binaba ni Mich Lock ang kamay niya sabay dausdos si Emshen pababa sa lupa. Di pa dun natapos si Mich Lock, tumalon pa patalikod para lumayo at hinawi paharap naman ang kamay at biglang may lumabas na Train na gawa sa tubig papunta kay Emshen.

Mich Lock: "Aqua Train!"

Wala nang nagawa si Emshen. Sinalubong ng buong katawan niya ang train na gawa sa tubig at doon nagtapos ang laban nila.

Ang lakas talaga ng isang Crownless king...

Masyadong one-sided ang laban...

Better luck next time eka nga nila...

Naririnig ni Emshen ang daldalan ng mga nanunuod. Sinubukan niyang tumayo pero di niya na kaya. Inaccept nalang niya ang Trade Request mula kay Mich Lock at ibinigay nito ang 100,000 golds na napag-usapan nila. Gumamit na rin siya ng Guildhouse Card para mateleport siya sa guildhouse nila.

Naglalakad na palayo si Mich Lock at nag-iisip...

Mich Lock: Tsss... Akala naman niya kaya niya ko. Walang GGP tapos mag-aaya makipagduel sa merong GGP?! Tsk! Iinum na nga lang ulit ako! Oyyy tumabi kayo sa daan!

To be continued...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 10, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Grandgan Connected (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon