Move On na kasi..

1.6K 47 23
                                    

Paano nga ba mag move-on?

Iba-iba ang experiences ng tao. Hindi ko pwede ikumpara yung pinagdaanan ko sa inyo. Dahil iba-iba ang tao, at iba-iba rin ang relationship. Isa lang ang pwede ko sabihin, lahat tayo nasasaktan. Magkakaiba man ang sakit, bottomline, MASAKIT.

Yung tipong ang sarap ng pagkain sa mesa tapos wala kang kagana-gana kumain. Yung tipong parang gumuguho na yung mundo mo kasi wala na yung taong ginawa mong mundo for the longest time. Yung tipong lahat ng plano mo kasama mo sya pero ngayon nagpaplano na sya kasama ng iba.

Well gusto ko lang malaman mo na hindi ka nag-iisa! :D

Halos lahat ng nagmahal ng totoo, ay nasasaktan ng mabigat sa hiwalayan.

Walang madaling paraan!
Hindi mo makakalimutan lahat ng magagandang ala-ala at lalong hindi mo makakalimutan ang taong minahal mo ng sobra.

Ang dapat mo gawin?
Mahalin mo sarili mo. Appreciate mo lahat ng maliliit na bagay. Ibuhos ang atensyon sa mga bagay na hilig mo. Tawagin mo mga kaibigan mo, sumama ka sa kanila. Yung kahit na hindi na sila magpayo basta yung presence nila na andyan sila sa paligid mo, comforting na. Andyan ang pamilya mo na pwede mo pagbuhusan ng pagmamahal mo.

TANDAAN:
Hindi solusyon ang uminom, ang mag addict, maglaslas, at in some cases, gumanti at maghanap din ng ka-partner. Lalo mo lang pinapabigat yung problema mo eh. In the end, mas lalo pang magiging komplikado.

Learn to appreciate life! :)

Alam mo na nga na iiyak ka't magmumukmok pag pinatugtog yung Theme Song nyo, eh bakit mo pa ipi-play yon?

Umiwas sa mga bagay na malalapit sa kanya. Kahit sa mga kaibigan nya, umiwas ka 'muna'. Wag ka na rin mag stalk sa mga accounts nya.

How to move on?

Dapat diretso. Walang likuan. Wag mo din sabihin na, "wala ka nang makikitang katulad ko!", dahil magmumukha ka lang tanga. Hindi totoo yun. Lalo mo lang pinapaitim yung puso mo sa pag iisip ng ganun eh. Naging masaya ka rin sa kanya kahit papaano at talagang nagmahalan kayo. Bakit hindi mo nalang talaga tanggapin na may mga taong nagkakatuluyan, at may mga taong hindi, diba?

Wala ka nang pakialam kahit may iba na sya. Kahit may iba na syang pinakilala sa friends nya, sa family nya, lahat ng yun isipin mo na at tanggapin mo na. Dahil yun nga, wala ka nang karapatan. </3

Lahat ng mga natutunan mo sa kanya, dalhin mo. At lahat naman ng mga ayaw mo sa relationship nyo, iwanan mo. At baguhin mo yon sa susunod na relationship mo.

Maniwala ka na may taong darating na para sayo talaga.

Hindi man sya kasing pogi, o ganda o yaman ng ex mo, hindi mahalaga yun. Dahil kung yun ang basehan mo, isa kang "materialistic". Iba parin yung nararamdaman mo yung tsuga-tsugtsug. <3 Wag ka maghanap dahil kusang darating yan basta maniwala ka. Enjoyin mo buhay mo bilang single. Sa ganitong paraan, mas mag go-grow ka as a person. Take a break!

Tama yung 3 month rule o higit pa. Hanggat hindi nag hi-heal yung puso mo, relax ka lang, wag ka magmadali. HINDI KA MAUUBUSAN.

Isa pa. Hindi muna kayo pwedeng maging magkaibigan ng ex mo. Take note, "muna". Pwede kayong maging magkaibigan pag lumipas na yung pagmamahal, at sakit. Pero yung agad agad? Isang malaking KALOKOHAN. Or siguro hindi talaga kayo nagmahalan.

Pinakaimportante na i-settle mo ang buhay sa tama, at sa Diyos. Dahil hindi mo yan kakayanin mag isa. Kung isusuko mo sa Kanya yan, giginhawa yung pakiramdam mo.

Wag ka matakot magmahal ulit dahil napakasarap magmahal. Kung takot ka dahil baka masaktan ka ulit bukas, eh baka mangyari nga yon dahil unconsciously, you're assuming that it's gonna happen.

Wag mo isipin na nagpapagwapo ka o nagpapaganda para pag nagkita ulit kayo matatakam sya. Hindi ganun yun. Tsktsk.

Uulitin ko. Kung gusto mo talaga mag move on, ito ay para sayo at hindi para sa iba. ITO AY PARA SAYO AT HINDI PARA SA IBA. Okey?

Hindi lang ito lesson ng pagmo-move on. Tinuturuan din kita kung paano makita ang ganda ng buhay.

Pag nagawa mo yan? Tatawanan mo nalang ang pangyayari at sasabihin mong, "Ang galing! Nakamove on na pala ako! :D"

At ready ka na ulit pumasok sa isang commitment na mas matibay ka na, mas mature, mas alam mo na ang gagawin, at mas maganda ang outlook sa buhay.

Remember:

"Focus on being a better you, instead of looking for someone better than your ex. A better you, will attract a better next. So don't be bitter, be BETTER."


-------
I hope it will help you guys a bit. :)

Please vote, comment, and share! Salamat guys! :)

Thanks for reading! :)

Twitter: @eirojram57

www.facebook.com/madopot

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 14, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

How to Move OnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon