MAHAL mo ako, MANHID ka lang!

475 7 4
                                    

Mahal mo ako, manhid ka lang

All rights reserved 2012

By: supermaria

Regret?

Sabi nila nasa huli ang pagsisi.

Pero para sakin HINDI, bakit? Kasi ang pagsisi at problema iisa lang yan. Hindi ba’t sabi nila na lahat ng problema may sulusyon? Sulusyon na ang ibig sabihin ay may pag-asa kangbumalik sa dati o kaya naman mas maging masaya pa.

Sabi din ng iba ‘There’s a rainbow always after the rain’

Kung ang ulan ay sumisimbulo sa problema o pagsisi at bahaghari naman bilang magandang balita. Ibig sabihin hindi nasa huli ang pagsisi kasi pagkatapos nito may magandangpangyayari na bubungad.

Para sakin ang pagsisi ang daan para matauhan ka, para maituwid mo yung nakalisyang parte sa buhay mo o kaya daan para magbago ka. Dahil kung hindi ka pa magsisisi, yung bagay namali sayo patuloy lang na magiging mali kasi hindi mo namamalayan na mali na pala ang isang bagay.

Kung magsisisi ka malalaman mo na mali na pala ang isang bagay kaya gagawa ka ng paraan kung pano maayos ito o mababago.

Para sakin iniiwas tayo nito sa kamangmangan. Dahil kung hindi tayo magsisi, mananatili lang tayo sa mali. Dahil sa pagsisi inilalagay nito tayo sa reyalidad, sa kung saan tama.

********

Naramdaman nyo na bang maging manhid?

Yung tipong nagiging tanga ka na dahil lang sa hindi mo nararamdaman yung mga bagay o tao sa paligid mo.

Yung tipong sa bandang huli may regrets ka kasi lumalayo na yung mga bagay o tao na nagbibigay ng importansya sayo.

Kasi natutunan din ng mga tao sa paligid mo na maging manhid dahil sayo.

Kasi nga tatanga tanga ka.

Sya si Aerniel, yung taong tinuruan kong maging tanga at manhid dahil sa pagiging tanga at manhid ko.

Sobrang bait nya sakin, na yung tipong nakakatakot na sa sobrang kabaitan.

Palagi syang sang ayon sa kung ano yung gusto ko at sumusunod sa mga ayaw ko.

Sya din palagi yung sumasalo sa mga kasalanan ko.

Isang araw nga, napagalitan ako ng campus director dahil sa papel na hindi ko naitapon sa basurahan, in short kinalat ko lang sa sahig. Sa sobrang malas ko nakasulat sa scratch paper na yun yung pangalan ko pati year and section.

Bạn đã đọc hết các phần đã được đăng tải.

⏰ Cập nhật Lần cuối: Feb 26, 2013 ⏰

Thêm truyện này vào Thư viện của bạn để nhận thông báo chương mới!

MAHAL mo ako, MANHID ka lang!Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ