Una at Huli

17 8 1
                                    

"...Isa lang ang tanong ko sa'yo" sabi niya pagkatapos ng mahabang katahimikan.

"Ano yun?" tanong ko kahit alam ko na kung ano ang itatanong niya.

"Mahal mo pa ba ako?"

Sa loob ng siyam na taon. It was always the same question whenever we get to this point.

And my answer would always be the same.

"I love you...pero..."

But not today.

Napalunok ako. I was trying so hard to hold back my tears. To keep me from giving up.

On my plans. On me. On my future.

"I'm sorry."

And when he hung up, I felt like melting.

I wanted to call him back and take back everything.

But no. I need to do this. Kailangan kong panindigan ang desisyon ko.

Sometime in the present.

"How do you do that?" tanong sa akin ng bestfriend ko. Nakaupo kami sa hagdan, nakatanaw sa napakagandang tanawin ng Bergen mula sa panoramic view ng isa sa mga sikat na hiking spots ng siyudad. Nasa Norway kami ngayon.

"Do what?" takang tanong ko. I thought she was referring to the photos we took a while ago. Sinubukan ko kasi yung natutunan ko nung mobile photography training.

"Smile even though it's killing you inside."

I sighed and filled my lungs with fresh air. I can't get enough of how clean the air is in this country.

Napatitig ako sa papalubog na araw. Ang ganda. I smiled on the horizon.

"Parang yung sunset ano? Kahit alam niyang papalubog na siya, kumikislap pa rin siya"

While staring at the glimmering sun, the light it emits painting the world with golden yellow, memories started to play in my head. It was as if everything was happening in front of me.

All over again.

College days.

2009.

Kasalukuyang nasa high school reunion ako at nakikipagkwentuhan sa mga kaklase ko ng may lumapit sa akin na ka batch mate. Familiar ang mukha niya pero sigurado akong hindi kami magkakilala.

"Hi! diba ikaw yung girlfriend ni Rey? Yung valedictorian ng xxxx high school? top notcher din sa college nyo?" walang prenong tanong niya.Napakunot noo ako. Pero tumango ako at nginitian ko siya.

My friends looked at me and one of them mouthed "What the heck?"

I shrugged. It's not as if it was the first time someone approached me like that.

Years after college graduation.

2014.

May sarili na akong trabaho. Kumikita din ng sapat. Kasalukuyang nag memed school ang boyfriend ko at ako naman, nagtatrabaho sa Europa. Maliit ang allowance pero sabi ko sa sarili ko,magsisikap ako para pagdating ng araw, petiks na lang (libre naman mangarap).

The most difficult part was being away from my comfort zone.

It was not being able to talk to someone close to me physically. Especially with the only person who at that time, meant the world to me. And I to him.

Pero ni minsan hindi niya ipinaramdam sa akin na nasa long distance relationship kami.

Walang mintis ang pag-a-update niya sa akin. Kahit sa mga araw na alam niyang mawawalan siya ng signal,nakakahanap pa rin siya ng paraan para kontakin ako.

He even aligned his plans with mine.

Instead of planning with him, I got scared.

I chose to run away.

Nagbakasyon ako sa Pinas.

2016.

"Huwag ka munang magpopropose. Hindi naman natin kailangan mag-engage para lang patunayan yung relasyon natin. May mga pangarap pa tayong hindi pa natutupad. Kahit isa man lang sa mga yun" sabi ko sa kanya bago ako umuwi ng Pinas.

Inunahan ko na. Assuming ako eh. Di nga. May mga signs kasi. Ayoko din mapahiya sya o gumastos pa. Mag-no-no lang din naman ako.

Naintindihan naman niya ako.

Sabi niya.

Pero minsan iniisip ko, paano nga kung itinuloy niya?

Bumalik ulit ako sa Europa.

Hanggang sa nagbunga ang pag-aaral ko ng lengwahe para makapag trabaho.

Ng profession ko.

Pero sa loob ng ilang taon kong pagsisikap. Wala akong narinig na "Wow! Ang galing mo!"

"Ui, nurse ka na dyan. Sariling sikap!"

kundi puro "Hindi ka pa ba uuwi sa Pinas? May doktor ka namang uuwian dun"

o kaya naman "Wow, the doctor's wife!"

Nang dahil sa ego ko, pinakawalan kita.

Tinapos ko ang siyam na taon natin.

Hindi dahil sa hindi na kita mahal.

Kundi...

Dahil nawalan ako ng identity.

Siguro mababaw na dahilan para sa iba.

Baka para sayo rin.

Hindi na kita tinanong.

At hindi ko sinabi ang dahilan.

Tumahimik na lang ako nung tinanong mo ako kung mahal pa kita.

Hindi naman nasosolb lahat ng pagmamahal eh.

At natakot ako.

Baka hindi ko kayanin.

Baka piliin kita at pagkatapos sisisihin kung bakit hindi ko natupad ang mga pangarap ko.

Mas hindi ko kayang gawin yun.

3 years later.

I am writing this story. Our story.

Sipping 3in1 Nescafe. Masarap.

Medyo lasang Pilipinas.

Thinking of all those possibilities...

And if ever I would be given the chance to go back in time.

Dun sa mismong oras na tinanong mo 'ko...

I will still choose sipping this 3in1.

And wishing you all the happiness and love that you deserve.

Kahit hindi ako ang nasa tabi mo.

Masaya ako kung nasaan man ako ngayon. At masaya ako na nakikita kong masaya ka rin.

Paalam.

At Salamat.

Sa lahat.

Unsent LetterWhere stories live. Discover now