7 Deadly Sins: "Gluttony"

1.3K 22 10
                                    

Thursday, July 28 - 2:46 AM

Sa isang gusali, may nagaganap na isang kababalaghang di maipaliwanag.

"WAG....WAG MONG BUBUKSAN !!!!! WAAAAAAAAAAAAAAGGGGGGGG!!!!!!!" sigaw ni Daren kay Louie.

Mayat maya pa..... ang lahat ng tao sa buong building.... ay NAMATAY ......  sa isang IGLAP lang.

9 Hours Ago . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

Wednesday, July 27 - 4:56 PM

Naghahanda na si Dorianne para umalis patungo sa Reunion Party ng kanyang angkan kasama ang kanyang dalawang kapatid na sina Remianne at Mirianne, kambal at mga ate ni Dorianne. Si Dorianne ay 18 taong gulang at medyo may katakawan sa pagkain lalo na sa matatamis, kaya't medyo may katabaan ito. Lahat ng kamag-anak ni Dorianne ay may mga kaya at magagandang buhay kasama na ang pamilya nya rito. 5 O'clock na sila umalis ng kanilang bahay para pumunta sa Sarmiento Building, kung saan gaganapin ang Reunion.

Wednesday, July 27 - 7:13 PM

Halos kakaumpisa lang ng Party, at masayang kumakain ang lahat ng dumalo. Sina Dorianne, ay halos patapos nang kumain.

Remianne: Dorianne, tama na yan, madami ka ng nakain... sasakit nanaman ang tiyan mo sige ka.

Dorianne: Kulang pa sa akin to ate Rem, at tsaka wala naman dito si Mommy... walang magsasaway sa akin, kaya't kakain ako ng kakain *munch**munch**munch* (sagot ni Dorianne na puno ang bibig)

Mirianne: Hay nako, bahala ka. Pag sumakit tiyan mo, wag mo kaming aartihan ah?

Makalipas ng 30 minutes ay biglang sumakit ang tiyan ni Dorianne at nagpaalam sa kanyang mga kapatid na mag babanyo muna ito. Nang matapos ng mag CR, may napansin nagiisang lamesa si Doriaane malapit sa stock room kung saan nakalagay ang mga sobrang silya,lamesa Etc. Nilapitan nya ito at nakitang punong punong ng pagkain na puro matatamis tulad ng Chocolate at Cupcakes, pero may napansin syang kakaiba kasama ng mga pagkain, merong isang litrato ng isang babaeng nakahandusay at duguan. Natakot si Dorianne at naihagis ang litrato, pero kinuha nya parin ang lahat ng pagkain sa lamesang iyon. Pagbalik nya sa kinauupuan nila ay napansin ng kanyang mga kapatid ang mga dala nito.

Mirianne: Anu yang mga dala mo? Saan mo nakuha yan bakit parang puro alikabok naman yan?

Dorianne: Ahh.. eh.. bigay sa akin to nung.. nung Cook... nagtanong kase ako kung meron silang mga matatamis kaya eto binigay nila sa akin.

Remianne: Sigurado ka? Baka mamaya expired na yan. Ikaw talaga katakawan mo.

Dorianne: Basta,.... hindi expired to.. nakita ko kumain pa nga ung isa sa kanila nito eh.

Nagkatinginan nalang ang kanyang dalawang kapatid. Mayamaya pa ay nagsisimula ng matapos ang Party, at napagpasyahan na nila Remianne at Mirianne na umiwi na, pero napansin nilang mukang papikit na si Dorianne kaya't ginulat nila ito. "BOOO" sabi ni Remianne at Mirianne kay Dorianne. Ilang saglit pa ay umalis na ng Party ang magkakapatid para umuwi.

Wednesday, July 27 - 10:37 PM

Nang nakasakay na ang magkakapatid sa kanilang sasakyan ay napansin nilang nakatulog kaagad si Dorianne.

Remianne: Aba, mukang napagod sa kalalamon ah.

Mirianne: Oo nga oh, parang uminom lang  ng alak eh.

Tinawan lng ng dalawa si Dorianne at hinayaang matulog habang papauwi ng kanilang bahay.

. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

7 Deadly SinsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon