Not A Love Story

17 2 2
                                    

A/N: This actually does not fit with the love month fever. (or at least that’s what I think! hahaha)

Not A Love Story

©purplepauiii

The entourage already started walking at unti-unti papalapit ako ng papalapit sa pintuan ng simbahan.

Sa buong buhay ko, isang lalake lang ang pinangarap ko na makasama habang buhay. Nakilala ko siya noong high school pa lang kame, madalas sabihin sa akin noon na ‘bata ka pa, hindi mo pa alam ang tunay na ibig sabihin ng pagmamahal’ tinanong ko sila noon, ‘paano niyo po ba masasabi na totoo yung pagmamahal?’ pero walang nakasagot sa akin. Sabi nila pagdating sa love walang requirements, walang pasakalye at ikaw mismo alam mo sa sarili mo kung pagmamahal nga ba ang nararamdaman mo. Wala sa tanda ng isang tao ang pagmamahal, minsan dumarating eto sa napaka aging panahon at kung minsan kahit na nalipasan ka na darating at darating siya at sa akin dumating ng maaga.

When I first met him, hindi ko inakala na papangarapin ko siya, hahangaan ko siya, at mamahalin ko siya. Hindi ko nga inakala na magkakakilala kame but because of unexpected incidents our paths cross. First time ko mapuntang guidance office noon, yes, isa ako sa mga good girl na sinasabi ng mga tao takot ko lang mabigyan ng sakit sa ulo ang mga magulang ko. Hindi kasi inaasahan na mapasama ako sa away ng mga kaibigan namen, his friends are being a bully sa mga kaibigan ko at syempre I stepped in hanggang sa magkaroon ng sapakan dahil yung boyfriend ng bestfriend ko ay hindi nakatiis sa sangas ng mga kagrupo niya.

The punishment that was given to us ay ang naging daan para maging magkakaibigan kame at magkakilanlan ng mabuti. After the so called punishment our barkadas clique in some ways, natawa nga sa atin ang guidance counsellor naten dahil naging close na tayong lahat. Doon ko nakita kung gaano siya kabuting tao. He always help people in his own way. He maybe childish at times pero kayang kaya niya maging mature kapag may problema na. Hindi ko napigilan ang sarili ko na mahalin siya. Sino nga ba naman ang hindi maiinlove sa kaniya? He was every girls dream guy, masaya na ako noon na nakakasama siya, na malapit ako sa kaniya, na magkaibigan kame pero ang puso pala na nagmamahal hindi kayang itago forever ang totoong nararamdaman. Nagselos ako sa isang babae na halos araw-araw ay kasama niya, hindi ko napigilan yung sarili ko noon at napaamin ako  at tinawanan niya lang ako telling me na ‘kahit kalian talaga panira ka ng plano’ he was seeking for help kung paano mag confess sa akin, ‘inunahan mo ako, nakakainis ka, dapat ako mauuna eh’ umiyak ako noon dahil sa saya, biruin mo our feelings were mutual pala. Hindi na ako nag paligawa pero araw-araw niya akong nililigawan, he wanted me to feel how special I am to him sabi niya kasi ‘kung ibang babae ka siguro papaya ako sa gusto mo, ang kaso you’re not like them, you’re special. You are my only exception’ libo-libong boltahe ng kuryente ang dumaloy sa katawan ko nung sabihin niya sa akin ang mga salitang iyon, back then, I felt like I was the most precious gem in the whole wide universe.

There’s no definite words para ma-describe kung gaano kasaya ang buong pagsasama namen, of course we have our ups and downs but no one give up. No one give in sa salitang break up. Gio and I were invincible.

As Paramore’s The Only Exception starts to play the doors of the church open wide and I start walking down the aisle. I know all pairs of eyes are on me pero ang mga mata lang ng lalake na nasa dulo ng altar ang nararamdaman ko, beacause his gaze are burning in me. 

Nang marating ko ang dulo ng simbahan, at ibinigay ni Papa ang kamay ko sa kaniya, tears are already flowing from my eyes, because my reality is already in front of me at alam ko sa kabilang banda ng mundong ito Gio is also happily being wed to the girl he wants to spend his entire life with.

All my life, I thought Gio was the one for me. He have made me feel like i’m the luckiest girl in the whole world, our relationship were envied by almost everybody.

Pero, hindi pala palagi na yung inaakala mong siya na ay ang taong itinakda para sa’yo. Akala ko, akala namen, kame na talaga hanggang dulo but then Gio and I woke up one day realizing na we are just keeping our relationship para na lang sa mga taong nakapaligid sa amin, kasi ayaw namen silang manghinayang but then naisip namen na, pareho kameng mahihirapan if we keep lying on ourselves kaya naman nag hiwalay kame. Alam ko naman kase na may nararamdaman narin siya para ka-officemate niya. He already found his better half.

Surprisingly hindi ako nagalit o nasaktan, alam ko naman kasi na wala narin naman talaga. Ganun naman kase 'di ba? Not all relationships lasts and there are people na makikilala naten just to leave a footprint sa buhay naten but not to stay, and in my case, Gio is one of them.

I decided to explore myself, ano pa ang kaya kong gawin, ang gusto kong gawin and sa paggawa ko noong mga bagay na ‘yun I met Alexander, every good girls nightmare.

Hindi kame naging magkasundo agad, we always fight over petty things. Akala ko napaka immature niya, na palaging sarili na lang niya ang iniisip niya pero mali ako. Hiyang hiya ako sakaniya noong nalaman ko na kalahati ng kita niya ay sa sa ampunan na nagpalaki sa kaniya niya ibinibigay. I just realize that this bad ass have a very big heart for the unfortunate people lalo sa mga bata. Then and there I just found myself helplessly falling for him, akala ko katulad lang nang kay Gio iyong nararamdaman ko sa kaniya, na pwedeng mawala na lang o lumipas but you can’t love the same way you did the last time you fall pala.

Mas malalim.

 Mas matindi.

 Mas nakakabaliw.

Ganun 'yung naramadaman ko sa kaniya, akala ko si Gio na yung mamahalin ko ng lubus-lubos, hindi pala, may hihigit pa pala sa kaniya.

Gio was my first love and no one can ever take that title from him, he's space in my heart will always be his but

Alexander is my everlasting love, the one i’m sure to spend my entire being with.

As we say our I do’s and vows I know that whatever it is that will happens in the future, this man beside me will never leave me, until death do we part.

Not A Love Story (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon