THTH

2 0 0
                                    


The Heartbreaker and The Heartplayer unfinished story summary.

Thirdee's POV

Ang bawat lalaking nakakarelasyon niya ay parang damit.

Tatlong beses kung magpalit sa isang araw, kung may espesyal na okasyon ay aabot pa ng lima. Walang tatagal ng isang araw at pwedeng pagsabayin.

Mapili sa lalaki  si Jane Niel (JN) gaya ng pagiging mapili niya sa babagay sa kanyang damit. Napapaganda siya ng reputasyon niya kaya kahit na kilalang "heartbreaker" ay marami pa rin ang sumusubok na paibigin siya. Wala pang nagwawagi dahil bago pa man mahulog ang loob ni JN ay nakikipaghiwalay na ito.

Sa kabilang banda si Kent naman ay may sariling koleksyon ng mga laruan.
Kung saan ang bawat babaeng karelasyon niya ay nagiging bahagi nito.

Paglaruan hanggang masiyahan, hiwalayan pagkatapos pagsawaan. Hindi mahalaga kay Kent kung bansagan siyang "heartplayer" hindi pagkakalalaki niya ang gusto niyang patunayan. Ang mahalaga ay mabigyan siya ng aliw ng mga laruan niya.

May pakpak ang balita, may tenga ang lupa. Narinig ng bawat isa ang tungkol sa kanilang dalawa. Nag viral. Nagtagpo at nagkaroon ng kasunduan.

Ang kasunduan — tumira sa iisang bahay at ang unang umibig ay magiging talunan. Sa umpisa'y puro away at sigawan ngunit nang tumagal umusbong ang pagkakaibigan.

Ella's POV

" tapos na, hindi ko na nadugtungan. Basta last update ko nasa iisang bahay na sila" binasa ni Thirdee ang ginawa ko habang ako pinili kong humiga habang nakikinig.

" magkaaway pa rin si JN at Kent sa last update mo?" dahan dahan akong bumangon .

" oo bakit? after 3-4 chapters ko pa sila gagawing magkaibigan eh."

" ibig sabihin sa mundong ito, magkaaway pa rin sila. " napaisip ako sa sinabi ni Thirdee.

" hmmm. may mga variables na pareho sa istorya ko ang meron rin sa current situation nila..." ibig sabihin baka sa panahong ito magkakilala na si Kent at si JN.

" anong naiisip mong unang hakbang?" pinatay ni Thirdee ang screen atsaka humarap sa akin.

" umorder ng fried chicken."

" seryoso?" mula sa ekspresyon ng mukha ni Thirdee halatang naiinis nanaman siya.

" oo. Kasi nga diba ang unang beses na nakita ko si Kent bilang delivery boy, baka sakaling siya ulit ang magdeliver." pagkasabi ko naman nito ay nagbago muli ang ekspresyon sa mukha niya.

Habang naghihintay , pinag-usapan namin ni Thirdee ang oras ng uwi ko dahil iyon lang ang libreng oras ko para isagawa ang misyon na ito.


" Mag resign ka na lang. Ako naman na ang bahala sa gastos mo, maraming yaman ang naiwan ng mga karakter mo at kayang-kaya ko ito lahat dalhin dito kung may permiso mo." 

" Hindi pa rin ganoon kadali iyon, kailangan ko pa rin magrender ng 2 linggo para sa transition ng papalit sa akin. " 

" Hindi kita natin pwedeng hintayin ang dalawang linggo bago ka magsimula kay Kent dahil baka bigla na lang silang mawala." biglang mawala?

" Anong ibig mong sabihin?" 

" Hindi sila bahagi ng mundong ito, ibig sabihin ang tadhana nila ay wala dito. Kapag nagkita ang manunulat at ang kanyang karakter nangangahulugan na may taning na ang buhay ng mga karakter at kung hindi sila makakabalik sa mundo namin sa loob ng isang buwan, maglalaho sila dito at sa mundo namin." 

" Isang buwan?! Paano maiinlove ang isang tao sa loob ng isang buwan? " medyo napalakas ang boses ko sa pagkabigla sa mga impormasyong sinabi niya.

" Isang Kent at Isang JN" sabay ngisi ni Thirdee.

Sa personality nilang dalawa, mukhang mahihirapan nga ako. Pero hindi, naniniwala ako sa istorya ko, sa mga karakter ko.


Napatakbo ako sa phone ko nang biglang itong tumunog.


Mukhang tawag ito mula sa food app.


Makikita ko na ulit si Kent.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 20 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Hindi Pa TaposWhere stories live. Discover now