Chapter 1

12 0 2
                                    

Fleur's POV:

Nanginginig kong hawak-hawak ang isang pregnancy test sa loob ng Cr.

I've been feeling weird and unwell, I just don't feel good at all for almost a month now. I'm not stupid to not notice that the symptoms I've been experiencing points out to one serious thing, pregnancy.

Bumili ako ng dalawang pregnancy tests just in case and took it sa loob ng Cr ng kwarto ko and guess what? It has the same results.

"I'm dead, I'm fcking dead kapag nalaman nila Mama to." my primary reaction nang makita yong resulta ng ikalawang pregnancy test.

Sht. I'm really dead. Ni hindi ko maalala ang nangyari nong gabing yon!

Lumabas ako sa Cr na dala-dala yong dalawang pregnancy tests at tinago yon sa drawer ko na may lock. Napaupo ako sa kama.

It's the third day of the second semester of me as a 4th year University student tapos ito ang mangyayari kung kailan pa ga-graduate na ako, wala akong masisisi, it's my fault.

Napakagat ako sa ibabang bahagi ng labi ko habang nag-iisip kung anong gagawin nang sumagi sa isipan ko ang sinabi sa akin ni Dad noon.

"Sa oras na mabuntis ka sa mga kalokohan mo? You're going to stop taking classes at iuuwi kita sa probinsya doon sa Lola mo to learn your lesson!"

Ayoko doon sa probinsya! Wala na ngang signal, ginagawa pa akong utusan.

Ano bang gagawin ko?

I need to keep this as a secret hanggang sa makaisip ako ng tamang gagawin sa sitwasyon ko ngayon, like who can help me other than myself? It's hopeless to ask for help sa ama ng pinag bubuntis ko when he was a total stranger, hindi ko alam kung saan siya ngayon, kung anong pangalan niya, number niya or whatsoever!

Nang magising ako non sa tabi niya naked sa iisang kama, I just knew na may nangyari sa amin, umalis ako agad while he was still sleeping.

"Fleur?"

Biglang bumukas yong pintuan ng kwarto ko at napalukso ako sa gulat, si Mama.
"Ba't gulat na gulat ka?" nagtataka niyang tanong at pumasok sa kwarto ko.

"Mama naman, kumatok ka kasi muna" muntik na akong himatayin sa kaba bigla nalang pumapasok eh.

"Kasi naman anong oras na? Wala ka bang planong pumasok ha?"

"Ma, malaki na ako, alam ko na ginagawa ko. Maliligo na nga ako oh." sabi ko sabay tayo, wala talaga akong gumanang pumasok ngayon kaya lang dalawang araw na ako hindi pumapasok ever since na nag simula ang klase, kasi naman diba? Wala naman sigurong papasok agad na mga professors kung kakasimula pa lang ng semester, wala rin naman sinasabi sa akin mga kaibigan ko.

"Bilisan mo kasi diyan! Ang bagal-bagal mo kumilos!"

"Oo na, lalabas na."

Hindi na ako nakipagtalo pa kay Mama at lumabas na rin naman siya sa kwarto ko, bagal-bagal ko raw, pwes mas magiging mabagal pa ko lalo na't kailangan ko mag-ingat ngayong may dinadala na ako.

Pinaka problema ko talaga ngayon ay paano ko sasabihin kay Mama at Papa to.

I'll be graduating in a few months, hindi naman siguro mapapansin nila mama tiyan ko non diba? I can just wear oversized shirts.

Tama. Kailangan ko muna e-secure graduation ko, sasabihin ko lang sa kanila pag naka graduate na ako, until then ay kailangan ko maging maingat.

Pagkatapos kong maligo ay nag-ayos ako ng sarili. I mean, ayoko namang mag mukhang gurang at stressed baka pumangit yong magiging anak ko.

Pregnant With My Professor's Child (Book 1)Where stories live. Discover now