CHAPTER EIGHT

856 8 0
                                    

CHAPTER 8

LUCY'S POV

NAPALINGON AKO SA PWESTO NI GYRA. Nasa isang VIP Room ako kasama si auntie, parang wala lang sa kanya na ang anak niya na ang pinagkakaguluhan sa baba.

Napansin ko ang isang lalaki sa pinagilid. Kanina pa siya nakikipaglaban sa bid laban sa ibang may gustong umangkin kay Gyra na parang artifacts sa museum. Na kay Gyra lang ang tingin niya at nakakapagtaka rin dahil kanina, wala siyang ibang binili maliban sa pinsan ko.

Nagkibit-balikat nalang ako. Lumingon ako kay tiya at kinuha ang phone ko sa tabi niya. Tiningnan niya lang ako nang ginawa niya iyon at hindi na pinansin.

Ang VIP Room na ito ay parang mamahaling suite sa isang five star hotel. Ang pinagkaiba lang ay may malaking tinted glass sa harapan ko upang mapanood ang nagaganap sa aúction.

𝙁𝙍𝙊𝙈: 𝙄𝙯𝙚𝙖🤡

𝘣𝘪𝘯𝘶𝘩𝘢𝘺 𝘭𝘨 𝘢𝘵𝘢 𝘢𝘬𝘰 𝘱𝘢𝘳𝘢 𝘮𝘢 𝘴𝘵𝘳𝘦𝘴𝘴 𝘴𝘢 𝘣𝘶𝘩𝘢𝘺.
11:56 𝙥𝙢

𝙏𝙊: 𝙄𝙯𝙚𝙖🤡

𝘸𝘩𝘺
11:58 𝙥𝙢

𝙁𝙍𝙊𝙈: 𝙄𝙯𝙚𝙖🤡

𝘴𝘢𝘺𝘢𝘯𝘨 𝘭𝘢𝘩𝘪 𝘬𝘰, 𝘥𝘪 𝘢𝘬𝘰 𝘮𝘢𝘩𝘢𝘭 𝘯𝘪 𝘢𝘯𝘰
11:58 𝙥𝙢

Natawa ako.

𝙏𝙊: 𝙄𝙯𝙚𝙖🤡

𝘢𝘺𝘢𝘸 𝘯𝘪𝘺𝘢 𝘯𝘢 𝘴𝘢 𝘴𝘦𝘭𝘰𝘴𝘢
11:59 𝙥𝙢

𝙁𝙍𝙊𝙈: 𝙄𝙯𝙚𝙖🤡

𝘦𝘥𝘪 𝘮𝘢𝘨𝘮𝘢𝘩𝘢𝘭 𝘴𝘪𝘺𝘢𝘯𝘨 𝘩𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘴𝘪𝘺𝘢 𝘮𝘢𝘩𝘢𝘭!!👺
11:59 𝙥𝙢

Bumungisngis ako sa reply niya.

𝙁𝙍𝙊𝙈: 𝙄𝙯𝙚𝙖🤡

𝘋𝘈𝘙𝘓𝘐𝘕𝘎!! 𝘛𝘜𝘔𝘈𝘛𝘈𝘒𝘉𝘖𝘕𝘎 𝘔𝘈𝘠𝘖𝘙 𝘈𝘕𝘎 𝘔𝘈𝘕𝘖𝘒 𝘒𝘖 𝘋𝘈𝘛𝘐 𝘗𝘈!! 𝘞𝘈𝘓𝘈 𝘒𝘈 𝘕𝘈𝘔𝘈𝘕𝘎 𝘈𝘓𝘈𝘔 𝘈𝘉𝘖𝘜𝘛 𝘚𝘈 𝘗𝘖𝘓𝘐𝘛𝘐𝘊𝘐𝘈𝘕𝘚 𝘋𝘐𝘛𝘖 𝘚𝘈 𝘔𝘈𝘕𝘐𝘓𝘈 𝘚𝘖 𝘔𝘌 𝘕𝘈𝘓𝘈𝘕𝘎 𝘔𝘈𝘎𝘚𝘈𝘚𝘈𝘉𝘐. 𝘔𝘈𝘎𝘈𝘕𝘋𝘈 𝘈𝘕𝘎 𝘉𝘈𝘊𝘒𝘎𝘙𝘖𝘜𝘕𝘋 𝘕𝘐𝘠𝘈 𝘈𝘛 𝘍𝘈𝘔𝘐𝘓𝘠 𝘖𝘍 𝘗𝘖𝘓𝘐𝘛𝘐𝘊𝘚 𝘋𝘐𝘕 𝘍𝘙𝘖𝘔 𝘐𝘓𝘖𝘊𝘖𝘚. '𝘠𝘜𝘕𝘎 𝘉𝘙𝘖𝘛𝘏𝘌𝘙 𝘕𝘐𝘠𝘈 𝘚𝘌𝘕𝘈𝘛𝘖𝘙 𝘕𝘎 𝘉𝘈𝘕𝘚𝘈!. 𝘊𝘏𝘌𝘊𝘒 𝘏𝘐𝘚 𝘋𝘌𝘛𝘈𝘐𝘓𝘚 𝘕𝘈𝘓𝘈𝘕𝘎 𝘐𝘍 𝘠𝘖𝘜 𝘏𝘈𝘝𝘌 𝘛𝘐𝘔𝘌 𝘖𝘙 𝘒𝘐𝘛𝘈𝘒𝘐𝘛𝘚 𝘕𝘈𝘓𝘈𝘕𝘎 𝘚𝘈 𝘓𝘜𝘕𝘌𝘚!
12:02 𝙥𝙢

𝙁𝙍𝙊𝙈: 𝙄𝙯𝙚𝙖🤡

𒊹︎︎︎(2)𝘓𝘦𝘢𝘯𝘥𝘦𝘳 𝘙𝘦𝘯𝘻 𝘚𝘢𝘶𝘯𝘥𝘦𝘳𝘴
𝘛𝘢𝘵𝘢𝘨-𝘉𝘢𝘺𝘢𝘯 𝘗𝘢𝘳𝘵𝘺𝘭𝘪𝘴𝘵
𝙝𝙩𝙩𝙥𝙨://𝙬𝙬𝙬.𝙜𝙤𝙤𝙜𝙡𝙚.𝙘𝙤𝙢/𝙨𝙚𝙖𝙧𝙘𝙝?𝙦:𝙨𝙖𝙪𝙣𝙙𝙚𝙧𝙛𝙖𝙢𝙞𝙡𝙮34^90%
12:03 𝙥𝙢

Ipinagkibit-balikat ko nalang ang balikat ko. Akmang itatago ko na ang cellphone ay aksidente kong napindot ang link. Kumunot ang noo ko nang magloading ito,may load pala ako.

Hinintay ko nalang ito at napanganga. Aksidenteng dumulas sa kamay ko ang phone dahil ang picture na nakalagay doon

.…..

.... ay ang lalaking naging dahilan kung bakit nandito ako sa Truthella.

Under the Mayor's Possession Where stories live. Discover now