TWO

5.1K 123 22
                                    

"Kilala mo kung sino yun?" tanong ko kay Jordan nung makita ko ang lalaking kanina ko pa hinahanap na pumasok sa canteen.




Napatingin naman siya sa entrance kung saan ako nakatingin. "Ahhh...that's Juaquin Nigel Chua. Hindi mo ba siya kilala? Spoiled na anak ng mayor."




Tumango nalang ako. Bigatin pala siya at mahirap abutin. Mukhang mahihirapan akong kilalanin siya lalo na't hindi rin siya approachable. Kung kagaya lang siguro siya ni Jordan, baka mabilis kaming magkasundo.




Maaga akong pumasok kinabukasan bago pa dumating ang ilang estudyante. Sinilip ko ang room niya at nagulat ako nang makita ko siyang tulog habang nakayuko sa lamesa. Mag-isa lang siya kaya dahan-dahan ko siyang nilapitan.




Umupo ako sa gilid ng kanyang upuan at nakahalumbaba habang siya'y aking pinagmamasdan. Mahimbing ang kanyang tulog kaya kampante akong hindi niya nararamdaman na may nakatingin sa kanya. Napakaamo ng kanyang mukha kapag tulog. Gamit ang aking daliri ay ginuhit kong muli ang kanyang mukha sa hangin. Pinipilit kong sauluhin ang bawat detalye ng kanyang mukha at humihiling na sana'y tumigil ang oras para matingnan ko siya ng mas matagal.




Biglang tumunog ang bell. Hudyat na kailangan ko ng umalis. Bumili ako ng tsokolate sa malapit na tindahan kanina at nilapag ko yun sa lamesa niya. Pilit kong pinapagaan ang sarili palayo sa kanya dahil ayaw ko siyang magising. Marahil ay sisigawan niya ako ulit kapag nakita niya akong nakatingin sa kanya.





"Achlys, saan tayo gagawa ng reflection paper?" tanong sa akin ni Jordan.





Nagkaroon kasi kami ng assignment sa Oral Communication at kami ang mag-partners ni Jordan. Isang linggo na akong nag-aaral dito pero wala pa rin akong ibang kaibigan bukod sa kanya. Mabait si Jordan sa lahat kaya nagulat ako nang niyaya niya akong maging partner sa assignment namin. Marahil ay naaawa lang siya sa akin dahil wala naman akong ibang kaibigan bukod sa kanya.




"Pwede bang sa library nalang tayo? Wala kasi akong gadgets eh." pag-amin ko.




Matagal na akong gustong bilhan ni papa ng laptop pero alam kong gipit din kami dahil hindi naman ganon kalaki ang kita niya bilang pintor. Pero napansin kong kailangan pala ito sa aking pag-aaral kaya nagpaplano akong mag-ipon gamit ang aking baon na bigay din niya.




"Movie yung kailangan nating gawan ng reflection paper, hindi tayo pwede sa library. Sa bahay nalang namin." alok niya.




Nang matapos ang klase ay inakbayan ulit ako ni Jordan palabas ng room. Tanghali ang uwian kaya maalinsangan ang labas. Kinuha niya ang payong sa kanyang bag at pinayungan ako. Nasa labas na kami ng school nang pumarada ang isang puting sasakyan. Iniluwal non ang isang magandang babae at nakangiti kay Jordan na katabi ko.



"Hey Joe!" bati ng maganda babae habang yakap si Jordan. Kaagad naman siya kumawala sa yakap nang mapansin niya ako. "Oh, who's this cute guy right here?"




"T-This is Achlys." pagpapakilala sa akin ni Jordan. Agad naman inilahad ng magandang babae ang kamay niya sa akin. Tinanggap ko iyon at ngumiti sa kanya.




"Hi! I'm Felisa, sister ni Jordan." nakangiti niyang sabi sa akin




Inihatid kami ni Ate Felisa sa bahay nila. Napakalaki ng kanilang mansyon. Kinuha ng kanilang kasambahay ang mga bag namin ni Jordan nung makapasok kami sa loob.
Meron itong isa magarang hagdan paakyat sa pangalawang palapag.




Fulfilling His Wish ✅Where stories live. Discover now