Kung saan ang mga
manunulat ay
nagsusumikap

Ang pagsusumite ay
sarado na

Tungkol sa Wattys
Ang Watty Awards ay ang pinakamatagal na taunang ganap sa Wattpad sa naghahanap, naggagantimpala, at nagpapaunlad sa mga manunulat na pinipiling ibahagi ang kanilang mga kuwento sa Wattpad bawat taon.
Person sitting at a desk writing
Kada taon, hinahanap, ginagantimpalaan, at pinauunlad namin ang mga manunulat na binibiyayaan ang Wattpad ng kanilang mahuhusay na mga salita. Ngayong taon, naghahanap kami ng parehong Kumpleto at Ongoing* na mga kuwento sa Ingles, Espanyol, at Filipino. Isumite ang iyong kuwento para sa pagkakataong manalo ng Watty Award, makilala para sa iyong dedikasyon, at isulong ang iyong sarili patungo sa iyong mga pangarap sa pagsusulat.

Ang mga magwawagi ay makakukuha ng mga ekslusibong oportunidad sa Wattpad at makakukuha ng pagkakataong ibahagi ang kanilang mga kuwento sa buong komunidad at higit pa. Samahan ang iyong iba pang mga Wattpadder na makamit ang inyong mga ambisyon sa pagsusulat, hamunin ang iyong sarili, at gawin ang Wattys season na ito na isa para sa mga libro (nakita niyo ba ang ginawa namin doon?).
Simulan na ang kuwento.
Gawin na ang mga pagtatapos.
Magsisimula na ito ngayon.

Para sa iba pang impormasyon para sa mga kailangan sa eligibility ngayong taon, mga award, at kung papaano sasali, tingnan ang opisyal na Wattys Rules & Regulations (EN lamang).

Para sa buong tuntunin ng patimpalak, mangyaring pindutin ito.

*Ang pagsusumite para sa mga Ongoing na kuwento ay para sa EN lamang.

Mga Wattys Milestone
Ang Wattys ay magbubukas para sa mga entry
Ang Wattys ay magbubukas para sa mga entry
Hulyo 15, 2024
ng 11AM EST
Ang Wattys ay magsasara para sa paghuhusga
Ang Wattys ay magsasara para sa paghuhusga
Agosto 6, 2024
ng 11:59:59PM EST
Ang Wattys shortlist ay iaanunsyo
Ang Wattys shortlist ay iaanunsyo
Oktubre 14, 2024
Ang mga Nagwagi sa Wattys ay iaanunsyo
Ang mga Nagwagi sa Wattys ay iaanunsyo
Disyembre 2024
(iaanunsyo ang opisyal na petsa)
Eligibility
Ang eligibility ay nakadepende kung ang iyong kuwento ay Kumpleto (kategorya para sa lahat ng lengguwahe), o Ongoing (kategorya para sa Ingles lamang).

Ang iyong kuwento ay hindi kailangang isinulat ngayong taon para maging eligible.
Mga Kumpletong Kuwento
  • Ang unang parte ng iyong kuwento ay dapat nai-post sa Wattpad noong o pagkatapos ng Enero 1, 2022.
  • 50,000 na mga salita o higit pa para sa mga kuwentong isinulat sa Ingles.
  • 40,000 na mga salita o higit pa para sa mga kuwentong isinulat sa Espanyol o Filipino.
  • Ang kuwento ay dapat nakamarka bilang 'Kumpleto' kapag isinumite.
  • Kailangang nakasulat sa isa sa mga eligible na lengguwahe at kategorya.
Mga Ongoing na Kuwento
  • Kailangang mai-post ang kwento sa Wattpad sa o bago ang Hunyo 5, 2024.
  • Ang kuwento ay dapat na-update ng 8 mula sa 10 nakaraang linggo mula sa oras ng pagsusumite. Ang mga update ng kuwento ay kinikilala bilang 500+ mga salita kada update.
  • Ang pagpo-post ng kahit isang beses sa isang linggo ay nangangahulugang mula Lunes hanggang Linggo bago ang 11:59PM UTC.
  • Ang kuwento ay kailangang makatanggap ng update sa kahit na 80% ng mga linggo mula sa petsa ng pagsusumite at petsa kung kailan iaanunsyo ang mga Na-shortlist na Entry.
  • Hindi bababa sa 20,000 mga salita at HINDI dapat nakamarka bilang ‘Kumpleto’ kapag isinumite
  • Kailangang nakasulat sa Ingles at isa sa mga eligible na kategorya.
Paano sumali
Simple lang ang pagsali! Bisitahin ang Story Details page ng iyong kuwento na nais mong isali. Kung ang iyong kuwento ay eligible, uudyukan kang kumumpleto ng isang submission form. Kapag nakumpleto na ito, makatatanggap ka ng kompirmasyon na ang iyong kuwento ay naisumite na.
Mga Premyo
Gusto mo bang malaman ang mga detalye tungkol sa mga premyo sa Wattys ngayong taon? Magbasa pa.
Ang pagkakataong manalo ng mga premyo ay nakadepende sa kabuuang bilang ng mga entry.
Mga Detalye sa Nagwagi

Mula sa shortlist, mahigit-kumulang 10 kabuuang magwawagi (ang "Mga Nagwagi") ay pipiliin sa Filipino at Espanyol. Sa Ingles, magkakaroon ng mahigit-kumulang 20 kabuuang magwawagi; 10 para sa Mga Kumpletong Kuwento at 10 para sa Mga Ongoing na Kuwento.

 

Magkakaroon ng mahigit-kumulang na 40 kabuuang magwawagi sa lahat ng mga lengguwahe. Mula sa mga Nagwagi, hanggang 2 sa Ingles (1 kumpleto at 1 ongoing), hanggang 1 sa Filipino, at hanggang 1 sa Espanyol ang maaaring magmula sa mga entry na parte na ng Wattpad Originals. Nirereserba ng Wattpad ang karapatang pumili ng mas mababa sa 40 na Magwawagi, kung, sa sariling pagpapasya nito, ay hindi ito nakatanggap ng sapat na eligible at kwalipikadong mga entry.

Mga Premyo

Ang mga magwawagi ay makatatanggap ng sumusunod:

  • Winners' social media kit upang ibahagi ang iyong tagumpay sa buong mundo
  • Promosyon sa Wattys profile sa Wattpad
  • Pagkakataong matampok sa kabuuan ng Wattpad
  • Wattys badge para sa iyong nagwaging kuwento
  • Prayoridad na konsiderasyon mula sa Wattpad WEBTOON Studios para sa iyong kuwento upang maipakita sa mga partner sa entertainment at publishing.  Makikipag-ugnayan nang direkta sa iyo ang team kung mayroong interes.
Mga Espesyal na Premyo
Mula sa lahat ng Nagwagi, apat (4) na karagdagang espesyal na premyo sa bawat lengguwahe ang ibibigay:
Grand prize

Magkakaroon ng tig-1 Grand Prize winner sa Filipino at Espanyol at 2 Grand Prize winner sa Ingles; 1 sa Kumpleto, at 1 sa Ongoing, na pinili mula sa lupon ng 40 Nagwagi. Kinakatawan ng mga Grand Prize winner ang mga pinakamahusay na kuwentong isinumite sa The 2024 Wattys at nakamit ang karangalan sa tatlo mula sa apat na espesyal na mga premyo. 

 

Ang Mga Grand Prize Winner ay makatatanggap din ng cash prize na $5,000 USD.

Ang mga Dating Nagwagi
Naghahanap ng pampanitikang inspirasyon? Tingnan ang mga pahina ng mga dating nagwagi sa Wattys at basahin ang mga kuwentong nag-uwi ng Watty Award noong 2023.