ODESSA'S REDEMPTION: Rise Of The Elementals ( Wattys 2018 Winner)

ODESSA'S REDEMPTION: Rise Of The Elementals ( Wattys 2018 Winner)

12.8K Reads 1K Votes 61 Part Story
Angelo L. Pineda By angelodc035 Updated 6 days ago

(WATTYS 2018 WINNER)
(Consistent #1 in Heroes) (#8 in Mythology)

Pagkatapos maibalik ang alaala ni Odessa dela Rosa sa tulong ni Demetria ay sunod-sunod na dagok ang dumating sa kanyang buhay. Una ay ang pagkakadukot kay Laurea (Mariang Sinukuan) na itinuring niyang kapatid sa mahabang panahon. Nangangamba siya sa kalagayan nito dahil sa labis na paggamit sa kapangyarihan laban sa mga lamang-lupa. Pero naniniwala siya na may mas mabigat na dahilan sa pagkakadukot ng diwata.

Pangalawa, ang pagkakatuklas ng kapangyarihan ni Randy bilang si Banaual, ang bunsong anak ni Bathala bilang tagapagmay-ari ng Eskrihala. Ano ang kaugnayan ni Banaual sa naging buhay ni Odessa dati?

Pangatlo ay ang pagkikita nilang muli ni Claudius pagkatapos ng napakahabang panahon. Ang paghihiganti ni Odessa sa kanya sa kalapastangang ginawa niya sa kanya at sa mga kinikilala niyang magulang. 

At ang huli ay ang pagkawala ni Bathala at ang namumuong tensiyon at alitan sa pagitan ng mga diyos at diyosa para  maipit ang mga tao sa muling pagsiklab ng digmaan ng mga anak ng buwan at mga elemental. 

Makakayanan pa kayang ipagtanggol ni Odessa ang mga tao sa pagitan ng mga naglalabang mga makapangyarihang nilalang? Makikilala na kaya ni Odessa ang tunay niyang mga magulang? 

Muli ay sundan natin ang pagpapatuloy sa pakikibaka ni Odessa laban sa kasamaan at samahan natin siya sa pagtuklas sa kanyang mga tunay na magulang.

  • adventure
  • aswang
  • fantasy
  • heroes
  • heroine
  • horror
  • jb
  • katatakutan
  • magic
  • mythology
  • vampire
  • wattys2018
MimiCaballero MimiCaballero Nov 16, 2017
ng ddoble po ung ilang mga  salita , at putol . sayang nmn po ganda pa nmn basahin , sna po maedit nio 😊
CathrineMaeBarba CathrineMaeBarba Sep 10, 2017
si odessa nga ang anak nila. half diwata at half mortal kasi sya diba? nabasa ko kaya ung part 1 nito
VhianaMahusay VhianaMahusay Feb 25, 2017
Yeheyy,may ikukwento na namn ako sa mga junakis bago matulog..thanks author..