Hello, Mema (3rd Hello)

Hello, Mema (3rd Hello)

150 Reads 2 Votes 1 Part Story
kuya gabbino By mrgabbybalahadia Updated Apr 27

Third Hello

Hindi ko malaman kung bakit kapag nakakarinig ang mga schoolmates ko ng salitang 'GANGSTER' otomatiko silang magtitilian, samantalang ako, sukang-suka ako sa tuwing maririnig ko ang salitang iyon. Bakit ba naman hindi ako maiinis sa kanila? Sila lang naman kase ang mga mukhang unggoy na wala nang ginawa kundi makipag-away, magbuhay prinsipe, mang-bully, at magyabang ano bang maganda dun? Ano bang dapat ikapunit ng lalamunan ng mga kababaihan don? Well, siguro dahil pogi sila, pero anak ng tokwa di hamak na lamang lang sila ng ilang ligo sa alagang aso ng kapitbahay naming e! Gwapo nga sila oo, pero minsan kontra din ako dyan dahil ang kagwapuhan nila ay hindi nila ginagamit ng tama. Paano ko nasabi? Simple lang, normal ba sa isang lalaki na lingo-lingo ay iba-iba ang dine-date, kung oo, aba anak ng tokwang sunog, nasa maling pag-iisip ka, dahil hindi tama na ang isang lalaki ay iba-iba ang dine-date, eto naming mga babae na 'to, patol parin ng patol sa mga babaeng gangster na 'to. 
At isa pa, ang ayaw ko sa kanila, pinapakialam nila ang buhay ng may buhay, my ghad, ayaw nalang buhay nila ang ayusin nila ng may magawa naman silang maganda. 
Sa totoo lang hindi naman ako galit sa lahat ng gangster e, sa kanilang tatlo lang talaga, kase yung ibang gangster ay may mabuting naidudulot, paano ko nasabi? Dahil ilan sa mga gangster na kakilala ko ay galit din sa tatlong 'to kaya naman kampi ako sa ibang gangster na nakikipag-away sa tatlong unggoy na 'to.
Anak ng tokwa, bakit ba kwento ako ng kwento about sa tatlong unggoy na yan? Ghad. 
 Trouble lang naman alam ng mga unggoy na yan kaya sayang lang ang oras nila sa tatlo yan.

  • badboy
  • book3
  • enemy
  • filipino
  • gangster
  • hello
  • love
  • mrgabbybalahadia
  • school
  • series
  • story
  • tagalog
  • teenfiction
  • trouble
  • wattpad

No comments listed yet.