Nawawala ako, naliligaw sa kung saang lugar. Hindi ko maalala kung saang lugar y'ung pavements na halaman, y'ung mga maingay na tao, y'ung mga nagtitinda ng pishbol. Unti-unting dinadaga ang dibdib ko at nanlalamig ang mga kamay ko. Hala! Nasaan ako? Nakita ko sa bandang kaliwa ang mga puno ng acasia. Lumapit ako roon para sumilong. Nakita ko y'ung lalakeng nakaupo sa bermuda grass at nakasandal sa puno at nakapikit. Mukha siyang harmless kaya naglakas loob akong kalabitin siya. Sana naman gising siya. Kunot-noo niyang binuksan ang mga mata. "Kuya, pwede po bang malaman kung saang lugar-" bigla niya akong sinamaan ng tingin at pumikit ulit. Natunganga ako sa kabastusan niya. Grabe! Napaka-snob! Pinag-ngitngit ko ang mga ngipin ko sa inis. Ang snob mo naman kuya! Paano na ako makakauwi?! Written by: Amanqwerty