Lost In The Red Forest (#Wattys2017)

Lost In The Red Forest (#Wattys2017)

20.1K Reads 93 Votes 1 Part Story
RoRu Lee By Kuroru Updated Apr 22

Nagdesisyon ang magbabarkada na pumunta sa isang pinakasikat na RestHouse na matatagpuan sa isang liblib na bayan ng Tago upang magbakasyon sa loob ng isang linggo. Ang buong akala nila ay mararating kaagad nila ang lugar na iyon subalit nagkamali sila. Bago nila marating ang mismong bayan ay may dalawang daan ang bumungad sa kanila. Isa sa mga daan na ito ay magdadala sa kanila sa mismong resthouse na sinasabi nila. Ganoon na lamang ang kanilang pagtataka ng mapansing hindi pa rin nila nararating ang lugar gayong palubog na ang araw. Lingid sa kaalaman ng lahat ay maling daan ang napili nila at ito ang ipinagbabawal na daan na magdadala sa kanila sa isang nakakaakit ngunit misteryosong lugar. Paano kung marating nila ang pinakapusod ng gubat na kung tawagin ay red forest, mabibighani kaya sila sa taglay na ganda nito? O mahihiwagaan at mangingilabot lamang? Sa pagkagat ng dilim, makakahanap kaya sila ng matutuluyan? At paano kung ang gabi ng paghahanap ay mauwi sa karumal-dumal na pangyayari? May sasaklolo ba sa kanila? O lahat sila ay mamatay sa kamay ng isang kakaibang nilalang.


Labing-limang buhay. Limang gabi ng lagim. Isang kakaibang pamilya. Sinu-sino ang mamatay? At ilan ang makakaligtas?


Handa ka na bang malaman ang mga sagot? Lakasan ang loob at alamin ang buong kwento.

Read at your own risk!

#wattys2017

PoseidonWP PoseidonWP Apr 26
I can't wait for the next chapter.  Ang ganda ng teaser. Paki-dedicate ako, Author?
Wwwwaaaaahh! Naaalala ko ang wrong turn dito hihihihi excited na ko, ung part na dalawang daan palang, wrong turn agad pumasok sa isip ko. Kaya naman bantay sarado na to skn haha, babantayan ko pg nagupdate.