To Sabina

To Sabina

3.2K Reads 166 Votes 8 Part Story
Dany By thesuchness Updated Nov 27

Sa tingin ng nakararami, si Sabina Odette "Ino" Ortiz na ang pinakamabagsik at pinakamarangyang babae sa kaniyang masaganang probinsya. Siya ang kinatatakutan ng lahat dahil mana siya sa amang kahit batas ay hindi sinasanto. Siya ang walang galang na babaeng sasagasaan ang lahat para sa kagustuhan.
  
  Sa tingin ng kaniyang mga mahal sa buhay, si Ino Ortiz ay isang dalagang kayang ibuwis ang lahat para sa pamilya. Siya ang pinakamatapang dahil halos ibigay ang buhay para sa kanila at siya rin ang pinakamapagbigay dahil sa kaniyang malambot na puso. 
  
  Sa tingin naman ni Angeles, ang isang Ino Ortiz lamang ang tanging nakapaglalubag ng kaniyang loob dahil sa mga mata nito. Malungkot at nagtatapang-tapangan. Pagod na pagod na, at wasak ang puso.  Pamilyar na si Angeles ang itsura ng mga matang 'yon dahil sa ito ang kaniyang kaharap tuwing susulyap sa salamin. 
 
Ngayong delikado ang landas ng kanilang buhay, para saan pa at hindi rin sila magtutulungan? Para saan pa at pinagpares ang dalawang pusong naliligaw?

Siguro naman ay mayroong dahilan kung bakit sila pinagtagpo. At kung wala man, humanda na ang langit at impyerno dahil pagdidikitin ito ni Angeles magkaroon lamang ng dahilan ang pagdating ng babaeng ito sa kaniyang buhay.

enj_03 enj_03 Oct 08
Thank you for this new story Ms. Author! May I ask also if The Pristine was deleted? I can't load it and I can't find it  in your Works po😁