MGA BULAKLAK NG QUIAPO Book 2: LAVENDER

MGA BULAKLAK NG QUIAPO Book 2: LAVENDER

8K Reads 431 Votes 14 Part Story
Zai Red By Zai_viBritannia Completed

Kinupkop at pinalaki ng isang matandang babae na tindera ng mga bulaklak sa Quiapo si Lavender. At dahil lumaki sa lansangan ng Quiapo si Lavender ay natuto siyang magbanat ng buto sa murang edad. Naging tindera, waitress at kung anu ano pa. Ang mga kuya niya na miyembro ng Black Sputnik gang na kilalang mandurugas, holdapper at kung anu-ano pang modus para lang makapanloko ng tao ay mga nakulong. Dalawa na lang sila ng bunsong kapatid na si Lily na tumutulong sa lola nila.  Pero itong lider ng Black Sputnik Gang ay kinidnap si lola at pinatutubos sa malaking halaga. Kaya naman itong si Lavender ay gumawa ng masama at natutong mandugas ng kapwa. Hold up with matching pag arte ang modus nila ng dalawang kasama. 
Si Theon Allegre, isang pulis ay naatasan na hulihin ang mga miyembro ng Black Sputnik gang dahil sa talamak na panghohold up ng mga ito sa isang barangay sa Quiapo. Isabay pa na may misyon din siyang ginagawa, hinahanap kasi niya ang kinakapatid niyang si Andrea. Na sumama at nakipagtanan sa isang lalaking taga squatter's area. 
Nang minsan magronda si Theon ay naispatan niya ang tatlong kahinahinalang tao. Kaagad niyang naisip na ito ang mga holdapper na huhulihin niya. Pero sa paglapit niya sa isa sa mga ito ay nakita niya ang kinakapatid niya, si Andrea. Pinosasan niya ito at dinala sa bahay niya upang di na makabalik sa kasintahan nito. Samantalang si Lavender ay naghahanap ng mabibiktima ng gabing iyon hanggang sa makita niya ang matangkad at guwapong lalaking iyon. Si Theon Allegre, ang police hunk na featured sa isang bachelor magazine na kaagad niyang nagustuhan. Sa madaling salita, minahal niya ang lalaki sa litrato pa lang.  Pero sa paglapit niya sa binata ay pinosasan siya nito at hinuli. at sinabing ikukulong siya at hindi na makababalik pa sa lugar na iyon. 
Paano na ang lola niya? Paano na niya ito maililigtas sa Black Sputnik? At bakit siya nito tinawag na Andrea? Sino si Andrea? Ang pangalan niya ay Lavender.

Azeil_28 Azeil_28 Sep 02
Ako nagustuhan ko si Lavender sa Una palang Ahihi Ang cute Kasi eh Ang kulit lang ☺
AlcLvndr AlcLvndr Oct 13
Na-like ko na yung page ng MBNQ. Sa facebook po ba naka-post din po ba ang story ng ibang MBNQ? Nauna kong mabasa ang kay Azalea maganda sya now ito naman kay Lavender.. Yung iba pa po meron din ba sila dito sa wattpad o sa fb lang?