Makita Kang Muli (Anitong Manlalakbay # 2)

Makita Kang Muli (Anitong Manlalakbay # 2)

9.7K Reads 497 Votes 44 Part Story
joshX69 By joshX69 Updated 5 hours ago

Buo na ang loob ni Enso nang bumaba siya ng MRT-Guadalupe Station. Aakyat siya sa higanteng billboard na naroon sa may cloverleaf na nakaharap sa maitim na tubig ng Ilog Pasig.
    
    Abangan na lang ni Xander sa mga diyaryo at sa news cast sa telebisyon ang kaniyang pagpapatiwakal sa pamamagitan ng pagtalon sa billboard.
    
    Usigin siya ng konsensiya niya sa ginawa niyang panloloko sa akin, saloob-loob ni Enso.
    
    Pababa na siya ng hagdan nang salubungin siya ng isang matandang lalaki. Umiwas siya pero sinadya siyang harangan nito.
    
    "Anak, bilhin mo na ang kwintas na ito. Pambili lang ng pagkain. Dalawang araw na kasi akong hindi kumakain."
    
    Naawa naman si Enso sa matanda. Ibinigay niya ang lahat ng natitirang pera sa kaniyang bulsa. Naisip niya kasi na hindi na niya kakailanganin pa iyon pagkatapos ng gagawin niya ngayon.
    
    Hahayaan na lang sana niya ang kwintas nang magpumilit ang matanda at ito pa mismo ang nagsuot sa kaniyang leeg.
    
    Whatever! Sabi ng isip niya. Anyway it won't matter kung suot man niya ang kwintas sa kaniyang kamatayan. Ilang sandali lang ay nakapasok na siya sa loob ng bakod ng billboard saka nagmamadaling umakyat.
    
    Kailangang makaakyat siya bago pa may makapansin sa kaniya at pigilan siya sa kaniyang plano. Hindi naman siya napansin ninoman maliban sa matandang lalaki na pinanonood lamang siya hanggang marating niya ang pinakamataas na bahagi ng structure. Tumayo siya saka sa huling pagkakataon ay muli niyang nilanghap ang polluted na hangin. Bumitaw siya sa pagkakahawak sa bakal, ipinikit ang mga mata saka itinaas ang dalawang kamay at sumigaw, "Paalam Xander!"
    
    Nakamasid lang mula sa baba ang matandang lalaking siyang bantay ng Anitong Manlalakbay nang tumalon si Enso sa billboard at nang nasa ere na ay biglang naglaho bago pa man bumagsak sa lupa.

antukin29 antukin29 Nov 20
Sobrang saya ko ng nakita ko sa wattpad na nagsusulat kana ulit.
                              Binalita ko na ren sa mga Authors and readers ng BOL at blogs mo na nagsusulat kana ulit.
                              Masaya ren sila
antukin29 antukin29 Nov 20
Nabasa ko na ang bakal at bulaklak.
                              Ang sweet ng mga eksena at ang init!
                              Hahahah