BLOOD (Book #1) COMPLETED

BLOOD (Book #1) COMPLETED

211K Reads 7K Votes 19 Part Story
M.M By MinieMendz Completed

Pag-ibig na nagsimula lamang sa ordinaryong pangyayari. Napadpad si Francine kasama ng kanyang Ina sa mansyon ng mga Agustin upang mamasukan bilang kasambahay. Hindi nya alam na may lihim palang tinatago ang pamilya na kanilang pinagsisilbihan. Naging alalay sya ng binatang Agustin na si Randall. Na una palang ay naamoy na agad ng binata ang mabango nyang amoy. Labis ang pagtataka ni Francine sa kanyang paligid dahil para bang may kakaiba sa bawat araw na nakikilala nya ang pamilyang Agustin at ang binatang si Randall. Hanggang matuklasan nya na hindi ordinaryong tao ang binata at maging ang pamilya nito. Isa itong nilalang na hindi nya akalain na nabubuhay sa mundo nya. 

Ngunit mawawala ang kanyang alaala at matutuklasan na kanya itong magiging asawa. Nag-ibigan sila ngunit natuklasan rin nya na sya ay nilinlan lamang ng binata nang sabihin nito ay asawa nya ito. 

Natuklasan nya rin na hindi rin pala sya ordinaryong tao lang. Dahil napapabilang rin sya sa uri ng nilalang kung anong uri ang binatang si Randall. Ngunit ang kanilang lahi ay nahahati. Ang kanilang lahi ay may alitan sa isa't-isa, kaya malaki rin ang hadlang sa kanilang pagmamahalan. Ngunit hindi sila nagpapigil at nagbunga ang kanilang pagmamahal ng isang supling. Isang supling na magiging salot ng kanilang lahi. Dahil nais nilang protektahan ang kanilang magiging anak ay tumakas sila, ngunit may isang nilalang na pumigil upang sila ay mapaslang upang mapunta rito ang trono bilang hari. 

Naiwang nakikipaglaban si Randall upang protektahan si Francine at ang nasa sinapupunan nito. Napunta sa mundo ng tao si Francine upang doon magtago. Hinintay nya at umaasa sya na agad syang mahahanap ni Randall ngunit naisilang na nya ang kanilang anak pero wala parin ang binata na nangakong susundan sila.


Copyrights 2016 © MinieMendz

  • blood1
  • romance
  • vampire
Haaaayyy sana nilagyan ni author nang S yung Francine para pangalan ko na lang Franscine HAHAHAHHAHH charot