Misis Kung Taksil

Misis Kung Taksil

288K Reads 1.8K Votes 27 Part Story
bambini By cutebam18 Completed

   


Mabuhay ang bagong kasal! Ito ang paulit ulit na sinisigaw ng mga bisita at saksi sa pag iisang dibdib namin ni Riza. Sa wakas, opisyal nang akin si Riza. Masaya naming idinaos ang kasalan. Marami ring bisita. Kahit simple lang ang kasal, marami parin ang dumalo. Sobra pa sa naibigay naming invitation cards. Naroon ang pamilya namin ni Riza, mga kaibigan, mga katrabaho, at si boss Tim na nagbigay sa amin ng 15,000 pesos para sa honeymoon raw. Ayoko mang tanggapin, nakaka hiya naman tanggihan. Malaking halaga ito. Bakit ba napaka special ng pagtrato ni boss Tim sa amin. Oh malamang ay sa asawa kong si Riza.

Natatandaan ko pa noong hinde pa nakapasok sa kompanya si Riza, hinde ako gaanong kinakausap ni boss Tim unless tungkol sa trabaho pero dahil sa asawa ko, tila nag bago ihip ng hangin. Madalas nang makwento sa akin si boss Tim. Naiilang naman ako dahil feeling nya close kami eh hinde naman.

Habang nasa reception ay napapansin kong dikit ng dikit sa misis ko si boss Tim. Iniwa...

No comments listed yet.