The Creepy Statue of Kasandra

The Creepy Statue of Kasandra

13.9K Reads 652 Votes 27 Part Story
J TM By JTMLover Completed

Nakaupo sa kanyang silid si Beatrice hawak ang larawan ni Leandro.
    
    
   " Leandro sana magkita na tayo, dalaga at binata na tayo 
    ngayon, noon natatakot pa ako na makilala ka dahil batang bata pa tayo noon at wala pa akong lakas ng loob na makilala ka, pero ngayon kaya ko na, pero natatakot pa ako dahil baka hindi mo ako magustuhan, ayoko masaktan Leandro ,  mahal na mahal kita, sana pag nagkita tayo mahalin mo din ako, ikaw lamang ang mahal ko wala ng iba Leandro. Sana ako ang magustuhan mo sa The Night to Remember.
    .........................
    
   The Night to Remember;  ito ay isang kasiyahan na pinagdiriwang taun taon sa Santa Barbara, dinadaluhan ito ng mga mayayamang angkan upang magkalilanlan ang kanilang mga binata at mga dalagang mga anak, upang magkaroon ng pagkakataon na makapili ng kanilang mapupusuan. 
  
  Si Beatrice ay anak ng pinaka mayamang doktor na si Dr. Alfonzo, at ang kanyang inang si Martina na kapatid ng Gobernador ng Santa Barbara na si Gobernador Raul Montero. Si Leandro naman ay isang makisig at matipuno at sikat na skultor, anak sya ng isang mayamang negosyante na si Don Miguel at sikat na aktres na si Sylvia Montes.
  
  ......
    
  Nilagay ni Beatrice ang larawan ni Leandro sa ilalim ng kanyang unan.
    
  Ngunit lingid sa kaalaman ni Beatrice ay may isang babae na may lihim na umiibig kay Leandro...ngunit ito ay anak lamang ng isang katiwala ang kanyang pangalan ay ....
  KASANDRA.
  
  Thank you po sa lahat ng nagbabasa ng story na ito at nilalagay sa reading list, at sa nag ko comment ng good words, lalo po ako na iinspire magsulat, I love you all, God Bless us all!❤️

Muhammed280 Muhammed280 Sep 29
Güzel.Kitaplarımı okumanı tavsiye ederim teşekkür ederim takip ve beğeni rica ederim