Idol Queen

Idol Queen

4.1K Reads 208 Votes 9 Part Story
Calleigh Dela Cruz By CalleighDC Updated Nov 10

"We had the right love at the wrong time.
Guess I always knew inside.
I wouldn't have you for a long time.
Those dreams of yours
Are shining on distant shores."

CHAPTER EIGHT

TULALANG lumabas ng office ni Miss Joy, ang Tournament Coordinator ng school nila, si Mika.  Halos tatlong oras silang nag-usap nito kaya't sobrang drained siya.  Panay ang rewind sa isip niya ng mga sinabi nito.

"You okay?"

Muntik siyang mapatalon sa gulat nang marinig ang nagsalita sa tabi niya.  Hindi niya namalayan na nakalapit na pala si Ricci sa kaniya.

"Masyado ka namang tensed, Queen.  Anyare ba?" tanong nito.  Halatang kagagaling lang nito sa practice dahil basa pa ang buhok nito, plus he's smelling like her favorite soap.

"Ahmm, w-wala naman.  Usual peptalk lang," sabi niya sabay iwas ng tingin dito.  "Pa'no mo nga pala nalaman na na kay Miss Joy ako?"

"Ako pa?  Alam mo namang nagiging BDO ako pagdating sa 'yo eh," smug na sabi nito.

"Huh?  'Di ko gets," confused na tanong niya.

"'Yung tagline n...

No comments listed yet.