Gate Keepers

Gate Keepers

1K Reads 4 Votes 2 Part Story
Don_Romantiko By Don_Romantiko Updated Dec 22, 2010

ISA AKO SA MGA SINAUNANG LAHI na nani-nirahan sa kabilang mundo. Isang mundo na kagaya sa planetang kinatatayuan mo. Malayo, milyon-milyong sinag-taon ang agwat sa pagitan ninyo at ng amin. Isang Mundo na nagtatago sa likod ng inyong mga malalawak na utak. Isang mundo na hindi mo lubos maisip na ito'y totoo. Sa kabila ng mapalad niyong teknolohiya, may isang planeta na kahit sino man sa inyo ay walang nakakaalam.

Pero kami, alam namin na kayo ay Nariyan.

Alam namin, na 'di kami nagiisa.

Alam namin, na kayo'y totoo.

Ma-tao. Ma-tubig. Ma-hayop. Maingay. Ma-polusyon.  Asensado sa teknolohiya.  Ka halintulad sa kaya mong maisip.

Isa ako sa labin-dalawang mananangol na ipinadala sa inyong planeta para sa isang misyon.

Labindalawa na pinaghiwa-hiwalay sa bawat sulok ng planetang tinatawag niyong earth.

Sa hitsura at panga-ngatawan, wala tayong pinakaiba. Nagsasalita kami ng kagaya sa inyo. Nabubuhay kami ng kagaya sa inyo.

Subalit hindi niyo kami katulad.

Kaming labindalawa ay ang inyong pinapangarap. Kami ay nabubuhay lamang sa inyong mga pantasya, sa mga libro't babasahin, sa panaginip.

Iisa ang dahilan kung bakit kami'y bumisita sa inyo.

Iyon ay ang hanapin ang bawat TAGAPAGBUKAS namin, at ng kami'y lumaya mula sa mga sumakop sa'min.

Mga nilalang na naninirahan sa planeta n'yo, mga tao na minsan lamang sa loob ng limang milyong taon kung isilang, ang makakapagligtas sa winawasak naming tahanan.

Sinimulan ko na ang paghahanap. Sinusuyod ang bawat lugar na puwedeng pinaroroonan, Tinutunton ang taong posibleng tagapagbukas ko.

Hayaan mong tanungin kita.

Ikaw ba ang aking tagapagbukas?

wordlesswriter wordlesswriter Jan 07, 2012
parang I am number for to.... pero ang ganda ng istoty flow. ibang klase. pwede pala manosebleed sa tagalog. hahaha