Until we meet again[Short Story]

Until we meet again[Short Story]

16.3K Reads 840 Votes 16 Part Story
Miss Tragic Princess By misstragicprincess Completed

A MaiChard AU


#66 in Short story 10/18/16

Simula nang makilala kita

Mundo ko ay nag-iba

Sabi ng iba hindi tayo bagay

Pero lahat ay kaya kong ibigay.



Ikaw ay nanligaw, akala ko ito'y hindi totoo

Hindi ko ito sineryoso dahil sino ba naman ako para sa isang tulad mo.

Matagal pa bago mo narinig ang matamis kong "OO"

Dahil  huli ko ng nalaman na matagal na pala kitang gusto.



Masaya ang ating naging samahan,

May tampuhan, asaran at kulitan.

Pero sabi nga nila kapalit ng saya ay kalungkutan

Nagkaroon ako ng karamdaman na mahirap ng lunasan.



Ginawa ko na ang lahat para ikaw ay lumayo na,

Pero nanatili kang nasa tabi ko kahit ako'y hindi na nakakakita.

Ikaw ay nanatili at nagsilbing mga mata ko,

At napatunayan ko na ang pagmamahal mo sa akin ay totoo.



Salamat sa dalawang taon nating pagsasama

HIndi 'man perpekto pero ako'y naging masaya.

Kahit wala na ako, asahan mong mananatili akong nasa tabi mo,

Dahil ang puso ko'y nakalaan lang para sayo.



Mahal na mahal kita, Alden

Kahit sa kabilang buhay patuloy kitang mamahalin.

Hindi kita itatali sa akin,

Kaya't maiintindihan kita kung magmamahal ka bukod sa akin.



Marami pa sana akong gustong gawin kasama ka,

Marami pa sana akong panahon na masabi na mahal kita.

Hindi pa siguro ito ang panahon para tayo'y magsama,

Pero alam kong sa tamang panahon magkikita tayong dalawa.



Kung mababasa mo ito paniguradong wala na ako

Isinulat ko ito para maramdaman mo ang pagmamahal ko sayo

Magsilbi sanang magandang ala-ala ang maiiwan ko sayo,

Hanggang sa pagkikita nating muli, Mahal ko.



- MAINE MENDOZA

  • alden
  • maine
  • meng
  • sadending
  • shortstory
  • untilwemeetagain

No comments listed yet.