What's on my mind?

What's on my mind?

28.1K Reads 1K Votes 1 Part Story
simplychummy By simplychummy Completed

What's on my mind?

07302013 1:37 a.m



Monologue lang hindi storya.

Nakakatuwa pero walang kwenta.

Hindi ko lang mapigilan ang magtipa.

Kahit ano na lang basta may mabasa ka.



Madaling araw na at nakatunganga pa.

Sinusubukang gumawa ng matinong storya.

Napapamura na lang dahil walang nagawa.

Nasayang ang oras at kuryente, punyeta!



Tumungga ng kape panlaban sa lamig.

Sa bandang Disturbed, Papa Roach at Linkin Park nakikinig.

Hindi kasi trip makinig sa mga pampakilig.

Mabuti na 'yun kesa makinig sa kuliglig.



Siguro nagsisisi ka na dahil binasa pa

Ang monologue kong wala naman talagang kwenta.

O diba ang saya?

Nasayang ang oras mo sa pagbabasa?



Sinimulan mo na kaya't sulitin mo na.

Konti na lang naman at tapos na.

Wala talaga akong sasabin pa.

Pinaasa lang kita para mas mainis ka.



-simplychummy-

atehcuteing atehcuteing Sep 20, 2017
Kahit walang kwenta ako'y sumaya 
                              Akalain mo pinagtyagaan ko pa hahaha
JadeDmndn JadeDmndn Jul 21, 2017
Ngayon ko lang to nakita
                              Kaya binasa ko na
                              Akala ko kung ano na
                              Monologue lang pala
                              Akala ko may makukuha
                              Nageexpect lang pala
                              Ang sakit sa pakiramdam na sa una nagexpect ka
                              Pero ang totoo sa huli papaasahin ka lang pala.
                              
                              Yun lang, bye.😂
CrownlessKween CrownlessKween Nov 11, 2017
Instead na mainis ako tawa pa ako ng tawa 😂 ang cute cute lang hahaha tapos feeling ko punong puno ng humor lol. Baliw na ba ako? 😄