Torment - Hear the Unseen

Torment - Hear the Unseen

3 Reads 0 Votes 1 Part Story
Hannah Julian Dupa By BelladonnaHannah Updated May 23, 2016

"Anong kaya mong ibigay sa kanya?! Huh?!" sabi niya

Hindi ko alam ang isasagot ko dahil alam kong hindi ko kayang ibigay ang buhay na tulad ng meron si Casey ngayon. 
Tinignan ko siya ng masama. Ang hirap pala talagang ipaglaban ang pagmamahal kung sa umpisa pa lamang ay mali na. Ang hirap tanggapin sa ibang tao ang katotohanang hirap akong tanggapin.

Kapag nakikita ko siyang ngumingti kapag kasama ko siya. Kapag nakikita kong natutuwa siya sa mga kapatid ko. Kapag naiisip kong onti onti siyang nag babago sa pakikitungo sa ibang tao, nagiging palakaibigan na rin siya.

Ang hirap at ang sakit, kung alam mong maaari siyang mapahamak dahil sa akin.

Ngumisi siya habang binibitawan ang mga salitang nagpabigat ng damdamin ko.

"Hindi mo kayang ibigay sa kanya ang buhay na meron siya ngayon"Umiiling siya habang sinasabi niya iyon "Makasarili  ka kung uunahin mo pa ang nararamdaman. Si Casey ang magmamana ng Company ng kanyang mga magulang. Hindi ka ba naisip kung gaano kalaki ang maapektohan ang buhay niya, ng magulang niya at ng mga tao na umaasa sa company nila. Hindi ko sinasabi ito para takutin ka at para layuan mo na si Casey. Sinasabi ko ito para sayo, sa mga kapatid mo."

Tumalikod siya at umalis. Hindi pa siya nakakalayo nag salita ulit siya

"Isipin mo ang mga kapatid mo" at tuluyan na siyang umalis.

Naiwan akong tulala sa mga iniwan niyang salita sa akin. Hindi ako makagalaw dahil sa bigat ng nararamdaman ko. Ng hina ako at napaluhod sa buhangin.

Tama siya. Tama lahat ng sinabi niya. 

Alam kong hindi ko maibibigay ang buhay na meron siya ngayon.

  • caseyariamoore
  • damianwright
  • kierlucaspearson
  • love
  • statusinlife

No comments listed yet.