James Esteban (COMPLETE)

James Esteban (COMPLETE)

189K Reads 5.5K Votes 50 Part Story
M.M By MinieMendz Completed

Umiiyak na tumatakbo ako ng mabilis para hindi nya ako maabutan. Hindi ko alam kung saan ako pupunta? Akala ko hindi na nya ako mahahanap pa. Ngunit nagkamali ako.


Tumingin ako sa likod, upang tignan kung nasundan niya ako. Wala akong nakitang sumusunod. Kaya lumiko ako sa isang eskinita at napaupo sa gilid ng isang malaking drum ng mga basura. Hinihingal at pigil na lumikha ng tunog. Dahil natatakot ako na makuha nya ulit at ikulong sa bahay nya. 


Handa na sana akong tumayo at maghanap ng ibang mapagtataguan. Pero bago ako makatayo ay may pares na itim na sapatos na tumapat sa harap ko. Nanginginig na tinaas ko ang ulo ko para makita kung sino yun. Na dapat hindi ko na ginawa. Galit ang makikita mo sa kanyang mga mata, ngunit wala kang makikitang bakas na kahit anong emosyon sa kanyang mukha.

"Tatakasan mo pa ko, Ha? Tsk! Tsk! Kahit anong gawin mo. Wala ka 'na kawala sa akin. NAIINTINDIHAN MO BA, HA? AKIN KA LANG! AKIN!" galit na sigaw nya. Sabay hatak sa bewang at hinalikan ako.

dannise07 dannise07 Jul 22
Grabe sanggol palang pinag interesan na my sayad yata 2..hahaha
rosalze rosalze Nov 17
Grabe nman si james nk takot kahit sanggol pinatos nya  grbe astig astory galing nmo