Dusk Till Dawn: Innocent Forever (Book 3)

Dusk Till Dawn: Innocent Forever (Book 3)

11.8K Reads 785 Votes 13 Part Story
anning By AnningFrankenstein Updated 6 days ago

Book 3 of Dusk Till Dawn.

Akala ng iba wala ka na. Patay ka na at hindi muling babalik pa. 
Sa apat na taong pamamalagi ko sa madilim na kastilyong yon wala akong ibang hiniling kundi ang lumaya. Ngayong tapos na ang digmaan sa pagitan ng mabuti at masama, malaya na muli akong makakabalik sa aking pinanggalingan. Ngunit hindi ko alam kung saan ako mag sisimula at saan ako pupunta upang hanapin at sagutin ang mga imaheng nakikita ko tuwing ipipikit ko ang aking mga mata. Dahil lahat ng aking kaalaman sa modernong panahon ay kanilang binura. Tinanggalan nila ako ng alaala, alaala ng aking nakaraan. 
Sa tulong ng aking kalahi, dinala nya ako sa ka-uri ko nag hihintay sa akin sa malayong ibayo. Hindi ko sila kilala pero may nararamdaman akong mayroon kaming pinag samahan. May isa akong bagay na hinahanap at iyon ay ang kwintas na naiwan ko sa lugar na ito. Kwintas na syang makakatulong upang mahanap ko ang kasagutan ng mga imahe sa aking isip.

Humiling ako na sana mahanap ko ang kwintas at hindi naman ako binigo. Nasa isang magandang dilag ang kwintas ko at pinag kaingatan nya ito. Ngunit hindi ko hiniling na magkaroon ng higit na kaugnayan sa babaeng nag susuot ng kwintas ko ngayon.

Ang hiniling ko lamang ay panibagong buhay, hindi ang mag mahal.

Hindi ko inaasahan na mahalin syang muli...

Ai anubayan yan ung unang nangyari sa TRMD..hmf but na disgust c sally??
Nosebleed Ako author masyadong ma lalim ang inyong paunang talata😉😉😉,,pero akoy nagagalak,maraming slamat author s panibagong kwento aming aabangan✌🏻️✌🏻✌🏻
wala nang nabanggit kung ano nangyari kay althea after ng malagim na pangyayari last 4years ago.☹️
Nakalimutan din ni Althea si Jade? 😧 Thank you sa prologue author xD
ramos_jace ramos_jace May 11
Hahahaha mejo nalilito pa talaga ako.. Sana sa mga next chapter magets ko na hahahaha
ramos_jace ramos_jace May 11
Nagtataka lang ako author, Bakit di kilala nina David at ng family nina Jade sina Althea? Maiintindihan ko pa na sina Batchi at Wila di kilala si Jade kasi kasama sila sa tinanggalan ng memory? tama ba? Pero pano nangyare na magkakasama pa din silang 3?