NEW: Tap by Wattpad
FREE Addictive Chat Stories 😍🔥
DOWNLOAD NOW!
Nasibak ni Insan

Nasibak ni Insan

70.6K Reads 497 Votes 48 Part Story
Vincent James Vidal By VJVidal Completed

Buwan ng Mayo nang lumuwas si Jude ng Maynila mula sa kanilang probinsiya. Naisipan kasi ng kanyang tiyahin, kapatid ng kanyang ina, na pag-aralin si Jude sa dito. Hindi na kasi kaya ng kanyang magulang na pag-aralin siya sa kolehiyo. Magsasaka ang kanyang ama at tindera lamang ng gulay at prutas ang kanyang ina. Si Jude ang panganay sa tatlong magkakapatid. May dalawa pa siyang kapatid na babae na nag-aaral pa sa hayskul at elementarya. Disi-otso anyos na si Jude ngayon taon. Hindi naman sa pagmamalaki ay may itsura naman ito. Matangkad, moreno at makinis ang balat kahit na laking-probinsiya ito. Balbon. Banat na rin ang kanyang katawan dahil sa trabahong bukid.  
 
May-kaya ang pamilya ng kanyang tita Susan. Ang asawa kasi nito ay isang seaman. May apat itong anak na lalaki, mga pinsan ni Jude. Ito ay sina  Jon, bente kwatro anyos, Mike, 20, Vince, 18, at Chad, 15. Si Jon ay nagtratrabaho na bilang call center agent sa Libis. Habang sina Mike at Vince ay nag-aaral ng kolehiyo sa isang sikat na unibersidad sa Maynila. At ang kanilang bunso na si Chad ay nasa 3rd hayskul pa lamang.

No comments listed yet.